Habang pauwi kanina, napagdiskitahan kong kalikutin yung radio feature ng cellphone ko. Syempre, lipat ako agad sa Magic, dahil hindi pa ako nakikinig dun kahit kelan dahil madalas, hindi nasasagap ang frequency nun sa lahat ng radyong naging pag-aari ko. Ayun nga, malinaw ang Magic. Habang pauwi ako, nakinig ako sa “Boys Night Out” nina Slick Rick, Tony Toni at Sam YG at sobrang benta sakin. Wala lang. For the ladies, kung gusto niyo malaman kung paano mag-usap ang mga lalaki, dito kayo makakarinig ng example. Gaguhan, bastusan, pero subtle at discreet lang dahil nasa radyo sila. Pero saktong boy’s night out talaga e.

Mabilis lang to.

Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa lahat ng nakaalala– nagpadala man ng text message, o ng mensahe sa Friendster, Multipy, at Facebook (kasing rami yata ng bumati sa akin sa telepono ko ang mga bumati sa pamamagitan nito, patunay na ito na nga talaga ang “bagong Friendster”). Tulad ng nakaraang taon, walang kakaibang nangyari sa birthday ko, normal lang. Sardinas ang inulam namin para sa pananghalian (pero pinagluto naman ako ng pansit nung umaga at ng paborito kong pininyahan nung gabi), naglagi lang ako sa bahay buong araw at nanood ng DVD (Slumdog Millionaire for the 3rd time! hahaha). Ang kakaiba lang, palagi nang tumutunog ang telepono ko para magbasa ng nakaalala, at punong-puno ang “wall” ko sa FB ng pagbati. Gusto ko lang sabihin, maraming maraming salamat sa inyo. (Sa mga dapat binati ako pero nakalimutan yata, medyo may tampo ako, pero ayos lang, makakalimutan ko rin naman yan.)

Ano nga ba ang mga natutunan ko ngayong taon na ito? Kung iisipin, maraming nangyari ngayong taon na pwedeng pagkunan ko ng mga natutuhan– graduation, first job, na-”busted” at na-”disappoint” sa pag-ibig, namatay ang isang kaibigan. Hindi ko maipinta ang taon ko noong 21 years old ako dahil maraming “first times”, at sa lahat ng iyon, medyo nangamote ako.

Sabi nga nila, “when you’re down, there’s no other way but up,” at sana, pataas naman na ako ngayon. Kasama ko ang aking pamilya at ang Diyos. Kayang-kaya ko ito.

Kung may gusto man akong sabihin sa mundo, ito yun: 

“Let’s get it on.”

stolen from reia. WARNING: this post is VERY long.:p

1. Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa.
- marami akong pog at tex dati, dala dala ko pa yun sa school at nakalagay pa sa kahon na lalagyanan ng tipas hopia. :p

2. May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.
- kahit hindi ko nagegets ang comics na yun dati, bili pa rin ako ng bili nun, kasi masarap palobohin ang bazooka, lalo na pag dalawa (may contest pa kami dati ng palakihan ng palobo ng bazooka, pagkatapos e nagpuputukan dahil mahirap tanggalin yun pag dumikit sa mukha mo)

3. Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.
- wala akong tirador na sanga dati.:( meron lang ako yung straw na binabalahan ng maliliit na bunga ng isang puno na hindi ko alam ang tawag. naaalala ko, nagbabatuhan din kami ng aratilis pag trip trip lang.

4. Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.
- alam ko yun, yun yung clip-on lang yung mga damit, tapos yung ulo ng mga paper dolls madaling maputol?

5. Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka.
- may pellet gun ako dati! pero inggit ako dun sa mga magaganda yung pellet gun, yung tipong uzi o armalite yung itsura. pero wala pa ring tatalo sa water gun na pinunuan ng ihi! hahahaha

6. Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris.
- ako sobrang hilig dito dati! pinalo pa nga ako dati ng nanay ko kasi nauubos laman ng coin purse nya kakadukot ko! ganyan ako kaaddict!

Basahin ang Karugtong »

Paalala: For all the single guys… siguraduhing sasagutin ka nya bago ka magtanong.

Ouch.

Happy Valentines, everyone!

Gusto mo bang ipakilala sakin? Kasi ako, gusto kong ipakilala ka sa mga tao sa aming neighborhood. Sila ang nagbibigay kulay sa aming napakagandang barangay.

Una, gusto kong ipakilala sa inyo si Mr. Cyclops. Itong si Mr. Cyclops, bago lang sa neighborhood, pero sikat na agad. Bakit kamo? Kasi, sabi nya, sya daw ang may-ari ng lahat ng lupang kinatitirikan ng mga bahay ng mga nakatira sa neighborhood, pati na ang katabing malaking sementeryo. Mayroon daw siyang titulo na magpapatunay. Ibig sabihin nun, mayaman sila… pero tinatawanan lang siya ng karamihan sa neighborhood dahil kung totoong mayaman siya, bakit siya nakatira kasama namin sa squatters area? Pero kahit ganun man, naisip ko na maganda na rin ang nandoon si Mr. Cyclops, dahil kapag mainit ang panahon, kailangang kailangan siya ng neighborhood– kailangan ng hangin.

Nga pala, itong si Mr. Cyclops, may mga anak na electric fan din dati bago sila naging mga tao. Kaya isipin mo na lang kung gaano kadami ang mga siga sa lugar namin. Yung mga umaastang mayaman, siga rin, nilalabanan pa yung mga sigang orihinal na nakatira sa neighborhood namin. Kapag dalawang hangin ang nagsalpukan, syempre, kasunod nun, buhawi. Huwag ka nang magtaka kung isang gabi, hindi ka makatulog dahil sobrang lakas pa ng karaoke sa kabilang bahay… at pagkatapos, makakarinig ka na lang ng mga nababasag na bote… at pagkatapos, pagtatakbuhan ng mga tao, na susundan ng sigawan at iyak ng mga babae (oo, maraming babae sa neighborhood namin ang gising pa ng dis-oras ng gabi) dahil may nadale na at nakahandusay sa kalsada.

Basahin ang Karugtong »

Pinipiga ko ang utak ko para makapag-update, pero wala akong makuha. Tigang.

Dahil parang nagiging “video blog” na ang blog ko, paninindigan ko na muna.

Hindi ko na kailangang ilagay ang lyrics, nakalagay na. Come sing evrrybarreh! Thanks to Agnes who shared this via Multiply. Panalo!:)

Favorite lines ko:

“I want you to caress me like a TROPICAL PRIEST”

“KNOW YOU LOVE MY COCK”

‘Di halatang baklang bakla ka ateh! Hahaha! At ano nga ba ang “water dessert”? Tubig na puno ng asukal?

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

Sorry bastos, pero sobrang wise and cool lang kasi ng kanta (at video). Sobrang benta sakin. Na-LSS nga ako dito ngayong araw na ‘to eh.

Check out Justin Timberlake as the DJ and the Janitor. :)

Para makasabay ka sa rap, ito ang lyrics:

Basahin ang Karugtong »

… dahil muntikan na akong paiyakin nito. Major “aww…” moment. Hahaha.

Iba talaga ang effect ng “Huling El Bimbo”. Shet, puso ko.

Mas maganda siya ‘di hamak sa US version, kasi wala silang E-Heads e.

Habang pauwi ako ng bahay kanina, nakaharang na naman sa daan ang mga tambay samin. Halu-halo sila, mga gangsters at mga chicks ng mga gangsters. Sa totoo lang, nakakakaba palagi ang dumaan sa kanila, dahil hindi mo sigurado kung kailan sila nakatira ng bato. O nakahithit ng marijuana. O nakasinghot ng katol. Pero kahit na papaano, alam ko na ang technique kapag dadaan ako– lalakad lang ako ng mabilis, hindi ko sila titingnan sa mata, pero aktibo ang peripheral vision ko sa kung anuman ang mangyayari. Kapag tinawag nila ako, magbibingi-bingihan lang ako. Kapag makalampas ako… tada! Pinalad na naman akong mabuhay muli.

Pero bukod sa mga gangsters na walang ginawa kundi tumambay at manigaw lang ng mga konduktor ng mga nagsisidaanang jeep, isa pa sa mga nagpapakaba sa akin kapag nakikita ko ay ang mga emo. Hindi ‘yung mga emo na “emotional” lang at pinapasabog ang tenga nila sa tugtog ng My Chemical Romance ha. Mga hardcore na emo talaga. Mga hardcore, trying-hard emo. Parang ganito:

dugyutemoxn9

"I Love and Fuck You", sabi nila.

Basahin ang Karugtong »