Kategoriya ng mga Imbakan: Uncategorized

Just want you guys to know that I’m doing a long hiatus here. Sorry for not telling or giving you a warning.

If you are one of those nice people that really check up on my updates, you can go here.:) Have a nice day.

Kakabasa ko lang ng blog ni Ala Paredes at mukhang sinasabi niya sa huling post nya na iiwan na muna niya ang blogging. Isa ako sa mga malulungkot. Seryoso, sinusundan ko kasi ang blog niya simula noong nagsimula ako noong sa akin. Pagkatapos ng halos anim na taon, hindi ko alam, nawalan na rin ng gana si Ms. Paredes sa pagsusulat.

Naisip ko tuloy, kelan ko kaya susukuaan ang pagsusulat dito? O ang mas tama yata, kelan ako mawawalan ng gana? Ngayon pa lang, nakakaramdam na ako ng pagka-detach sa pagsusulat. Palagi kasing pagod, o hindi kaya tinatamad, o kaya wala lang talagang oras. Pero hindi ko pa talaga gustong tumigil. Marami pa akong gustong isulat at ikuwento. Siguro nga, mas bata pa ako at ang blogging age ko (maglilimang taon na sa Hulyo) kaysa sa kanya kaya hindi pa ako iniiwan ng gana.

Sana lang, kapag dumating na ang panahon na maging masyado na akong matanda para dito, o di kaya tinablan na lang talaga ng katamaran at kawalang-gana, naisulat ko na ang mga gusto kong isulat.

Bukod sa “The Catcher in the Rye” ni J. D. Salinger, ang isa pa sa mga binabasa ko ngayon ay ang series ng “Secret Invasion” ng Marvel comics. Basta ang point ng buong series, sinakop ang Earth ng alien race na Skrull, na kayang gayahin ang kahit na sino (dahil shapeshifters sila) at kayang gawin ang kahit anong kaya nila gawin, kahit na ang mga superheroes ng Marvel Universe. Okay, hindi ko na itutuloy ang ka-geekan na ‘to dito. Kung naging interesado ka, tingnan mo na lang dito kung ano ang Skrulls, at kung ano ang Secret Invasion. Ang totoong gusto kong ilagay sa post na ‘to at ito:

May parte dun na nagsilabasan na ang mga prominenteng skrulls sa buong mundo, gaya nila Sen. McCain, Barack Obama, Oprah, etc at nagbigay ng kani-kanilang mga Declaration of Invasion para i-brainwash ang mga kawawang earthlings. Nagulat lang ako dahil,

closeup2

Sa pagitan nina Sen. McCain at Dr. Doom, nandun si G. Arroyo. ISA SYANG SKRULL! Hahaha!

Basahin ang Karugtong »

Do you talk too much in your blog?
Created by OnePlusYou – Free Online Dating 

Wow, 97 words? Parang maikli ata yun ah. Pero sinasadya ko naman na maikli talaga dahil madalas, wala akong oras gumawa ng mahaba, at mas madalas, nagmamadali ako. Hindi ko alam kung accurate ba yan, ni hindi nga nila pinaliwanag kung paano nila nacompute, gumamit daw sila ng RSS feed pero kulang ang paliwanag. Pero pwede rin, tamang estima. Madalas kasi parang twitter o plurk entry ang mga entries ko… o kaya naman, videos lang nilalagay ko. Pero 97 words na puro Filipino? Hmm… Parang maikli nga yun. Parang ganto lang siya, 97 words, sakto. Maikli no?

Sinusubukan kong gumawa ng bagong entry pero hindi ko makumpleto. Teka lang ha.

Isang araw, nasa Farmer’s mall ako at kinailangan kong magpalit ng damit dahil nakapormal ako noong umaga at pinagpapawisan na ako. Sa paglilibot ko, wala akong nakitang maayos na CR na may cubicle na puwedeng magamit dahil kung hindi man puno, sobrang panghi naman. Buti na lang, sa isang floor, may pay CR (sampung piso ang binayad ko) na nagbibigay ng ticket na mukhang pangraffle.

Pagpasok ko sa loob, ay sus, lahat pa rin ng cubicle puro may tao, pero sa CR na ‘to, ang nakakatawa, lahat ng tao jumejebs. Wala akong nagawa kundi maghintay sa kanilang matapos.

Isipin mo na lang halos sampung minuto ka na ata nag-aabang sa mga tao na matapos jumebs… ano kaya ang pwedeng gawin? Hmm. Dahil ako yung tipong tao na mahilig pumansin ng mga bagay-bagay kapag walang magawa, eto ang ilan sa mga napansin ko:

1. Totoo nga na kahit alam ng mga tao na nasa public toilet sila, nakakahiya kapag naririnig ang “pluk, pluk” sa tubig sa inidoro kaya naman, maraming tao ang gumagamit ng “flush once you drop” technique. Ito yung kapag may nalaglag na, kailangang sabayan mo ng flush para hindi marinig ng katabi. Pero kung tutuusin, parang binalita mo na rin sa katabi mo na, “ok, may nalaglag na naman po!” It defeats the purpose.

2. Kapag natapos na ang isang tao sa pagjebs nya sa isang pampublikong lugar, sinisigurado nyang walang tao sa labas, o kung meron man, kailangang sneaky ang pag-eskapo niya.

Basahin ang Karugtong »

Mabilis lang to.

Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa lahat ng nakaalala– nagpadala man ng text message, o ng mensahe sa Friendster, Multipy, at Facebook (kasing rami yata ng bumati sa akin sa telepono ko ang mga bumati sa pamamagitan nito, patunay na ito na nga talaga ang “bagong Friendster”). Tulad ng nakaraang taon, walang kakaibang nangyari sa birthday ko, normal lang. Sardinas ang inulam namin para sa pananghalian (pero pinagluto naman ako ng pansit nung umaga at ng paborito kong pininyahan nung gabi), naglagi lang ako sa bahay buong araw at nanood ng DVD (Slumdog Millionaire for the 3rd time! hahaha). Ang kakaiba lang, palagi nang tumutunog ang telepono ko para magbasa ng nakaalala, at punong-puno ang “wall” ko sa FB ng pagbati. Gusto ko lang sabihin, maraming maraming salamat sa inyo. (Sa mga dapat binati ako pero nakalimutan yata, medyo may tampo ako, pero ayos lang, makakalimutan ko rin naman yan.)

Ano nga ba ang mga natutunan ko ngayong taon na ito? Kung iisipin, maraming nangyari ngayong taon na pwedeng pagkunan ko ng mga natutuhan– graduation, first job, na-”busted” at na-”disappoint” sa pag-ibig, namatay ang isang kaibigan. Hindi ko maipinta ang taon ko noong 21 years old ako dahil maraming “first times”, at sa lahat ng iyon, medyo nangamote ako.

Sabi nga nila, “when you’re down, there’s no other way but up,” at sana, pataas naman na ako ngayon. Kasama ko ang aking pamilya at ang Diyos. Kayang-kaya ko ito.

Kung may gusto man akong sabihin sa mundo, ito yun: 

“Let’s get it on.”

stolen from reia. WARNING: this post is VERY long.:p

1. Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa.
- marami akong pog at tex dati, dala dala ko pa yun sa school at nakalagay pa sa kahon na lalagyanan ng tipas hopia. :p

2. May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.
- kahit hindi ko nagegets ang comics na yun dati, bili pa rin ako ng bili nun, kasi masarap palobohin ang bazooka, lalo na pag dalawa (may contest pa kami dati ng palakihan ng palobo ng bazooka, pagkatapos e nagpuputukan dahil mahirap tanggalin yun pag dumikit sa mukha mo)

3. Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.
- wala akong tirador na sanga dati.:( meron lang ako yung straw na binabalahan ng maliliit na bunga ng isang puno na hindi ko alam ang tawag. naaalala ko, nagbabatuhan din kami ng aratilis pag trip trip lang.

4. Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.
- alam ko yun, yun yung clip-on lang yung mga damit, tapos yung ulo ng mga paper dolls madaling maputol?

5. Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka.
- may pellet gun ako dati! pero inggit ako dun sa mga magaganda yung pellet gun, yung tipong uzi o armalite yung itsura. pero wala pa ring tatalo sa water gun na pinunuan ng ihi! hahahaha

6. Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris.
- ako sobrang hilig dito dati! pinalo pa nga ako dati ng nanay ko kasi nauubos laman ng coin purse nya kakadukot ko! ganyan ako kaaddict!

Basahin ang Karugtong »

Paalala: For all the single guys… siguraduhing sasagutin ka nya bago ka magtanong.

Ouch.

Happy Valentines, everyone!

Pinipiga ko ang utak ko para makapag-update, pero wala akong makuha. Tigang.