Pero maikli lang ‘to.
*****
‘Pag pasok mo ng Men’s room, akala mo mag-isa ka lang, kaya masayang masaya kang inilabas ang iyong kanina pa tinatago sa iyong pantog. ‘Pag baba mo ng zipper mo, bigla ka na lang nakarinig ng parang sumingaw na lobo, at siya nga, pagsilip mo sa cubicle na sarado, nakita mo ang isang pares ng leather shoes na sumasayaw sayaw! Ah, putsa, bakit ba sa lahat ng makakaistorbo sayo e itong parang-singaw-ng-lobo pa na tunog ang kumalabit sayo, malamang masasabi mo. Tapos maiisip mo na kapag mayaman ka nang gaya ni Pacquiao, kahit wala kang karanasan sa politika, basta sikat ka at may commercial ka ng Vitwater, tatakbo ka rin sa isang lugar na hindi ka naman talaga nakatira at isusulong mo sakaling manalo ka ang batas tungkol sa pagbabawal sa matahimik na CR. Dapat kapag gagamit ka ng CR imbis na pipihitin mo lang yung knob, ang palatandaan na ginagamit ang cubicle ay tutugtog na mp3. Pwede kang mamili ng gusto mo, maging Colbie Caliat (kung Pop person ka) man o Sigur Ros (kung gusto mo Ambient) o My Chemical Romance (kapag Emo ka). Pagkatapos mong maisip yun, maiisip mo na umalis na lang dahil hindi na nakakatuwa ang naririnig mo, parang nangingilo ang kaluluwa mo sa tunog. Tumungo ka na sa lababo, naghugas ng kamay nang biglang bumukas ang pinto ng cubicle mo.
Ang pinakabosing ng opisina nyo pala ang nasa loob.
“Hi, sir! Good afternoon!”
“Good morning, too! How’s your day? I heard the project in your team is doing well! Well done!”
*sabay shake hand*
Aaaaaaaahhhhp000++@@@n9!n444444 SIR KAKAJEBS NYO LANG PALAAAA, sigaw mo. Pero sa isip mo lang.
“Thank you sir,” sabi mo. Ngingiti-ngiti ka pa, pero napansin mo nabasa ang kamay mo. At naalala mong nagpunas ka na pala ng tissue kanina.
“Well, continue doing that. I’m proud,” sabi nya, tapos tinapik tapik nya ang balikat mo, na para sa iyo ay di na nya dapat ginawa, dahil hindi naman talaga ginagawa ng mga taong sinasabihan ka ng “I’m proud.” May motibo tsong. May motibo.
“Bye!” tapos umalis na siya. Ikaw, nakatingin lang sa sarili mo sa salamin, nakatulala sa balikat mo. Malas mo, may sweet at palabati kang boss. Bwiset.
2 Mga Puna
hehehe baka naman sincere siya.
hehehehe nice one…. malas lang tlga pag gnun ka friendly boss mo then u meet him after his deed tpos gnun…