Bukod sa “The Catcher in the Rye” ni J. D. Salinger, ang isa pa sa mga binabasa ko ngayon ay ang series ng “Secret Invasion” ng Marvel comics. Basta ang point ng buong series, sinakop ang Earth ng alien race na Skrull, na kayang gayahin ang kahit na sino (dahil shapeshifters sila) at kayang gawin ang kahit anong kaya nila gawin, kahit na ang mga superheroes ng Marvel Universe. Okay, hindi ko na itutuloy ang ka-geekan na ‘to dito. Kung naging interesado ka, tingnan mo na lang dito kung ano ang Skrulls, at kung ano ang Secret Invasion. Ang totoong gusto kong ilagay sa post na ‘to at ito:
May parte dun na nagsilabasan na ang mga prominenteng skrulls sa buong mundo, gaya nila Sen. McCain, Barack Obama, Oprah, etc at nagbigay ng kani-kanilang mga Declaration of Invasion para i-brainwash ang mga kawawang earthlings. Nagulat lang ako dahil,

Sa pagitan nina Sen. McCain at Dr. Doom, nandun si G. Arroyo. ISA SYANG SKRULL! Hahaha!
Pagkatapos ng ilang type at click sa google, nalaman kong ang nag-drawing pala nito ay si Leinil Yu, isang Pilipino. Matagal na syang gumuguhit para sa Marvel, at ilan sa mga naging trabaho nya ay X-Men, Wolverine, New Avengers, Ultimate Hullk vs. Wolverine. Sabi nya, wala daw halong politika ang pagsama niya kay G. Arroyo dito.
Kung gusto mong makita ang buong page nito, andyan na, palakihin mo na lang. Tingnan mo kung kilala mo lahat ng mga nilagay na tao dyan.

Isang Puna
Haha, napansin mo din ‘yun. Yup, Pinoy si Leinil Francis Yu, nag booksigning siya minsan sa Robinson’s Galeria.