Namiss ko ang mga ganitong klaseng post. Ilan to sa mga nangyari sa akin nitong linggo lang.
*****

Isang araw sa office, nainom ko ang pinakauna kong Starbucks product, isang Mocha Frappe na libre dahil sa ginawa kong pagtulong sa ibang team. Kung hindi niyo lang alam, hindi ako umiinom ng Starbucks. Una, sobrang namamahalan ako– bakit naman ako bibili ng P200 na kape? Pangalawa, may paniniwala ako na pang-elitista lang sila, at ang binebenta nila ay ang pangalan nila at hindi masyado ang kape nila. Nakakatawa, kahit na marami akong mayayamang nakakasama, hindi pa rin ako sanay makihalubilo sa lalo na kapag yung mga laking-aircon stuff na ang pinag-uusapan nila.
Pero natuwa talaga ako sa Frappe na ‘yun dahil saktong sakto ang dating nya. Sobrang lutang ako ng araw na yun, at kailangang kailangan ko ng pampagising. Saka isa pa, libre siya. Masarap talaga ang lahat ng libre. Pero in fairness, masarap sya. Parang chocolait pero coffee version. Kapag marami akong pera at gusto kong gumasta para sumaya, bibili ulit ako nun.
*****
Nung isang araw, nagkaroon ako ng lunch-out kasama ang team ko, napansin kong para sa araw na ‘yun, ako lang ang lalaki sa team. Sa team kasi namin, 7 ang babae at 2 lang kaming lalaki, at on-leave pa sya nung araw na yun. Iba ang pakiramdam kapag kasama mo na kumakain ay puro babae, lalo na kung ikaw pa ang pinakabata. Tahimik lang ako sa buong tanghalian na ‘yun, pero sa totoo lang, ang dami ko nang hinihirit sa isip ko lang. ‘Di ko pwede i-reveal dahil puro bastos ang ihihirit ko. Hahaha. Nasanay na ‘ko sa puro barubal na lalaking classmates, at sa mga kabarkada ko. Ang hirap din palang hindi makahirit pag may gusto kang ihirit, at hindi makatawa pag may nakakatawa. Kung nakikita mo lang ako sa office, aakalain mong ang tahimik kong tao, parang outcast ba. Sa totoo lang, masyado lang kasing baon sa trabaho, at isa pa, yun nga, puro babae nasa paligid ko, kelangan behave ako. Hahaha.
*****
Kanina, may nakasakay ako na babaeng kitang kita ang mga buhok sa kili-kili. Sobrang kapal mehn, parang sa lalaki na. Nung nakita nyang nakatingin ako sa kanya, nginitian nya ako. Nginitian ko rin naman sya, pangiwi nga lang. Ikaw ba, kaya mong ngumiti at mandiri ng sabay?