Napag-usapan namin ng kapatid ko dati na paano kaya kung naging malaki na si Dora the Explorer… oo, yung batang tinuturuan ang mga preschoolers ng Spanglish at sikat sa mga katagang,
“What’s your favorite part of the trip?
*mahabang, mahabang pause*
I like that too.”
at marami kaming mga katanungang nabuo. Ito ang ilan sa kanila.
Ano na ang tawag sa kanya? Doralyn the Teen Explorer?
Iiwan na ba nya ang purple nyang backpack na si Backpack? Ano na ang ipapalit nya? Shoulder bag na tatawing Shoulderbag? Prada? (Isipin mo yung Backpack song habang iniisip mo ‘to).
Gagamitin pa ba nya si “The Map”? O sa loob ng shoulder bag nya mayron the syang “The Mac”? Syempre sa “The Mac” kasi magagamit nya ang Google Maps.
At ang pinakamalaking tanong sa lahat, kung teenager na siya, ano na kaya ang i-eexplore ni Dora? Naku, patay tayo dyan!
Natawa na lang ako bigla nang makita ko isang araw sa internet ang imaheng ito:
Meron na ngang may matandang Dora the Explorer na lalabas! Wow! Saktong-sakto lang, maraming teenager na ganyan manamit: leggings sa ilalim ng top na parang pang-buntis (‘di ko alam tawag dyan e), at doll shoes. Kamusta naman toh ateh? Para sa balita ukol dito, pwede kang magsimula dito:
2 Mga Puna
ang ganda pala ni Dora, ngayon ko lang kasi siya nakita eh. mas madalas ko kasing marinig ang name niya sa mga pamangkin ko.
waw ndi na sya mukhang bunot paglaki!