Isang araw, nasa Farmer’s mall ako at kinailangan kong magpalit ng damit dahil nakapormal ako noong umaga at pinagpapawisan na ako. Sa paglilibot ko, wala akong nakitang maayos na CR na may cubicle na puwedeng magamit dahil kung hindi man puno, sobrang panghi naman. Buti na lang, sa isang floor, may pay CR (sampung piso ang binayad ko) na nagbibigay ng ticket na mukhang pangraffle.
Pagpasok ko sa loob, ay sus, lahat pa rin ng cubicle puro may tao, pero sa CR na ‘to, ang nakakatawa, lahat ng tao jumejebs. Wala akong nagawa kundi maghintay sa kanilang matapos.
Isipin mo na lang halos sampung minuto ka na ata nag-aabang sa mga tao na matapos jumebs… ano kaya ang pwedeng gawin? Hmm. Dahil ako yung tipong tao na mahilig pumansin ng mga bagay-bagay kapag walang magawa, eto ang ilan sa mga napansin ko:
1. Totoo nga na kahit alam ng mga tao na nasa public toilet sila, nakakahiya kapag naririnig ang “pluk, pluk” sa tubig sa inidoro kaya naman, maraming tao ang gumagamit ng “flush once you drop” technique. Ito yung kapag may nalaglag na, kailangang sabayan mo ng flush para hindi marinig ng katabi. Pero kung tutuusin, parang binalita mo na rin sa katabi mo na, “ok, may nalaglag na naman po!” It defeats the purpose.
2. Kapag natapos na ang isang tao sa pagjebs nya sa isang pampublikong lugar, sinisigurado nyang walang tao sa labas, o kung meron man, kailangang sneaky ang pag-eskapo niya.
3. Kapag natapos na ang isang tao sa pagjebs nya sa isang pampublikong lugar, magtatagal muna siya sa loob ng cubicle dahil iaayos niya ang sarili, pupunasan ang pawis, itatago ng mabuti ang ginamit na tissue, sisiguraduhing malinis ang inidoro, para lang kunwari “parang walang nangyari”.
Magsasampung minuto na ata akong naghihintay, pero tahimik pa rin ang lahat ng tao sa cubicle. Sobrang tahimik. Aalis na sana ako ng biglang may malakas na tunog na umalingawngaw sa loob ng CR.
“Take time to realize…”
May lalaking nagulat at napasigaw sa dulong cubicle at nakita kong naihagis nya sa may paanan niya ang panyo niya. Huli ka balbon! Ayos manong, fan ka pala ni Colbie Caliat. Buti na lang napigilan kong tumawa ng malakas. Inabangan kong sagutin ni manong ang cellphone niya tapos sasabihin niya, “Hello? Teka tawagan kita mamya, tumatae ako e,” pero sa kasamaang palad, hindi niya sinagot. Hindi nya ata kayang magmulti-task.
Kaya kayo, sa susunod, isilent nyo muna ang phone nyo kung isasama nyo ‘to sa loob ng CR. Sige kayo, baka bigla nyong mahulog yan sa toilet bowl. Baka bigla niyong isumpa si Colbie Caliat (o kung sino man ang kumakanta sa ringtone mo) pag nagkataon.
5 Mga Puna
ahaha natawa ko dito impernes…hehehe buti natagalan mo ang amoy..
napadaan lang at nakibasa at nakicomment na din..
hehehe…tama ka dyan sa mga napansin mo.
panalong ringtone ah hehe. buti indi nahulog sa toilet bowl, baka mga 1 hr lang naman siya sa loob.
haha natuwa rin ako hehe…kuleeet ha hehe,,,
hahahaah swak na swak ang mga observations mo….kasi gawain nating lahat yan hahahahaha
sa lahat ng mga natuwa, salamat!