Buwanang Imbakan: Marso 2009

Napag-usapan namin ng kapatid ko dati na paano kaya kung naging malaki na si Dora the Explorer… oo, yung batang tinuturuan ang mga preschoolers ng Spanglish at sikat sa mga katagang,

“What’s your favorite part of the trip?

*mahabang, mahabang pause*

I like that too.”

at marami kaming mga katanungang nabuo. Ito ang ilan sa kanila.

Ano na ang tawag sa kanya? Doralyn the Teen Explorer?

Iiwan na ba nya ang purple nyang backpack na si Backpack? Ano na ang ipapalit nya? Shoulder bag na tatawing Shoulderbag? Prada? (Isipin mo yung Backpack song habang iniisip mo ‘to).

Gagamitin pa ba nya si “The Map”? O sa loob ng shoulder bag nya mayron the syang “The Mac”? Syempre sa “The Mac” kasi magagamit nya ang Google Maps.

At ang pinakamalaking tanong sa lahat, kung teenager na siya, ano na kaya ang i-eexplore ni Dora? Naku, patay tayo dyan!

Natawa na lang ako bigla nang makita ko isang araw sa internet ang imaheng ito:

dora the teen explorerMeron na ngang may matandang Dora the Explorer na lalabas! Wow! Saktong-sakto lang, maraming teenager na ganyan manamit: leggings sa ilalim ng top na parang pang-buntis (‘di ko alam tawag dyan e), at doll shoes. Kamusta naman toh ateh? Para sa balita ukol dito, pwede kang magsimula dito:

http://www.nydailynews.com/lifestyle/2009/03/06/2009-03-06_dora_the_explorer_dolls_get_controversia.html

Isang araw, nasa Farmer’s mall ako at kinailangan kong magpalit ng damit dahil nakapormal ako noong umaga at pinagpapawisan na ako. Sa paglilibot ko, wala akong nakitang maayos na CR na may cubicle na puwedeng magamit dahil kung hindi man puno, sobrang panghi naman. Buti na lang, sa isang floor, may pay CR (sampung piso ang binayad ko) na nagbibigay ng ticket na mukhang pangraffle.

Pagpasok ko sa loob, ay sus, lahat pa rin ng cubicle puro may tao, pero sa CR na ‘to, ang nakakatawa, lahat ng tao jumejebs. Wala akong nagawa kundi maghintay sa kanilang matapos.

Isipin mo na lang halos sampung minuto ka na ata nag-aabang sa mga tao na matapos jumebs… ano kaya ang pwedeng gawin? Hmm. Dahil ako yung tipong tao na mahilig pumansin ng mga bagay-bagay kapag walang magawa, eto ang ilan sa mga napansin ko:

1. Totoo nga na kahit alam ng mga tao na nasa public toilet sila, nakakahiya kapag naririnig ang “pluk, pluk” sa tubig sa inidoro kaya naman, maraming tao ang gumagamit ng “flush once you drop” technique. Ito yung kapag may nalaglag na, kailangang sabayan mo ng flush para hindi marinig ng katabi. Pero kung tutuusin, parang binalita mo na rin sa katabi mo na, “ok, may nalaglag na naman po!” It defeats the purpose.

2. Kapag natapos na ang isang tao sa pagjebs nya sa isang pampublikong lugar, sinisigurado nyang walang tao sa labas, o kung meron man, kailangang sneaky ang pag-eskapo niya.

Basahin ang Karugtong »

Habang pauwi kanina, napagdiskitahan kong kalikutin yung radio feature ng cellphone ko. Syempre, lipat ako agad sa Magic, dahil hindi pa ako nakikinig dun kahit kelan dahil madalas, hindi nasasagap ang frequency nun sa lahat ng radyong naging pag-aari ko. Ayun nga, malinaw ang Magic. Habang pauwi ako, nakinig ako sa “Boys Night Out” nina Slick Rick, Tony Toni at Sam YG at sobrang benta sakin. Wala lang. For the ladies, kung gusto niyo malaman kung paano mag-usap ang mga lalaki, dito kayo makakarinig ng example. Gaguhan, bastusan, pero subtle at discreet lang dahil nasa radyo sila. Pero saktong boy’s night out talaga e.

Mabilis lang to.

Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa lahat ng nakaalala– nagpadala man ng text message, o ng mensahe sa Friendster, Multipy, at Facebook (kasing rami yata ng bumati sa akin sa telepono ko ang mga bumati sa pamamagitan nito, patunay na ito na nga talaga ang “bagong Friendster”). Tulad ng nakaraang taon, walang kakaibang nangyari sa birthday ko, normal lang. Sardinas ang inulam namin para sa pananghalian (pero pinagluto naman ako ng pansit nung umaga at ng paborito kong pininyahan nung gabi), naglagi lang ako sa bahay buong araw at nanood ng DVD (Slumdog Millionaire for the 3rd time! hahaha). Ang kakaiba lang, palagi nang tumutunog ang telepono ko para magbasa ng nakaalala, at punong-puno ang “wall” ko sa FB ng pagbati. Gusto ko lang sabihin, maraming maraming salamat sa inyo. (Sa mga dapat binati ako pero nakalimutan yata, medyo may tampo ako, pero ayos lang, makakalimutan ko rin naman yan.)

Ano nga ba ang mga natutunan ko ngayong taon na ito? Kung iisipin, maraming nangyari ngayong taon na pwedeng pagkunan ko ng mga natutuhan– graduation, first job, na-”busted” at na-”disappoint” sa pag-ibig, namatay ang isang kaibigan. Hindi ko maipinta ang taon ko noong 21 years old ako dahil maraming “first times”, at sa lahat ng iyon, medyo nangamote ako.

Sabi nga nila, “when you’re down, there’s no other way but up,” at sana, pataas naman na ako ngayon. Kasama ko ang aking pamilya at ang Diyos. Kayang-kaya ko ito.

Kung may gusto man akong sabihin sa mundo, ito yun: 

“Let’s get it on.”