Habang pauwi ako ng bahay kanina, nakaharang na naman sa daan ang mga tambay samin. Halu-halo sila, mga gangsters at mga chicks ng mga gangsters. Sa totoo lang, nakakakaba palagi ang dumaan sa kanila, dahil hindi mo sigurado kung kailan sila nakatira ng bato. O nakahithit ng marijuana. O nakasinghot ng katol. Pero kahit na papaano, alam ko na ang technique kapag dadaan ako– lalakad lang ako ng mabilis, hindi ko sila titingnan sa mata, pero aktibo ang peripheral vision ko sa kung anuman ang mangyayari. Kapag tinawag nila ako, magbibingi-bingihan lang ako. Kapag makalampas ako… tada! Pinalad na naman akong mabuhay muli.

Pero bukod sa mga gangsters na walang ginawa kundi tumambay at manigaw lang ng mga konduktor ng mga nagsisidaanang jeep, isa pa sa mga nagpapakaba sa akin kapag nakikita ko ay ang mga emo. Hindi ‘yung mga emo na “emotional” lang at pinapasabog ang tenga nila sa tugtog ng My Chemical Romance ha. Mga hardcore na emo talaga. Mga hardcore, trying-hard emo. Parang ganito:

dugyutemoxn9

"I Love and Fuck You", sabi nila.

Mga dugyuting emo. Silang mga palaging nakaitim na tight shirt, at mahahabang buhok na parang binuhusan ng pamada (okay, hair wax para sa mga ‘di alam) sa sobrang haba. Naaalala ko pa dati nung tinanong ko ang kapatid ko tungkol sa kapitbahay naming naging emo na:

Ako: Bakit naging ganyan si Edward*?! Emo na emo na!

Siya: Oo nga e. ‘Lam ko kuya ‘di naliligo ‘yang mga ‘yan. Para daw matigas ang buhok nila.

Ako: Kaya pala ang papanghi nila.

Mukha naman silang harmless kaysa sa mga gangsters, pero kinakabahan ako sa kanila kasi minsan, kapag nagsasama-sama sila, aakalain mong “end of the world” na. Naalala ko pa dati nung nagkaroon ng concert sa Marikina Sports Center kung saan nagpuntahan na ata lahat ng emo within the 10 kilometer radius… lahat sila nakaitim, may hikaw sa ilong, sa mata, at sa dila. Akala ko naligaw ako sa ritwal ng isang kulto e.

Bakit ba nagpapaka-emo sila? Gusto ba nila ‘yung musika, o talagang akala lang nila uso ‘yun? Na cool ‘yun, ang hindi maligo at mag-tight black shirt kahit nasa ilalim ng araw? Bakit hindi sila maging masaya? Lagyang kulay ang buhay? Parang ganito?

 

Cool.

Vectorized Emos: Cool.

O, di ba masaya?

 

*****

*di tunay na pangalan, iningatan dahil maselan

photos taken from blog.ademagnaye.com and fc01.deviantart.com. Bisitahin nyo sila. ‘Yung vectorized emo pic, nafeature na t-shirt design yan sa designbyhumans.com (link sa sidebar). Galing.:)

12 Mga Puna

  1. hahahaha! nakakatawa naman yung mga emo… nung isang umaga topic yan sa RX kina chico & delamar. ang sabi ng isang caller, kung suicidal ang mga emo, bakit sila dumadami?!

  2. hahaha. oo nga noh? ibig sabihin nun, maraming pekeng emo. dapat ang mga emo maliit lang ang lifespan e.

  3. Emo ba yan?! Jologs yan e!!!

    Sila yung mga tipong pag dumaan ang isang babae, sasabihin “Hi Miss.”

    Eeeeeeeeew!

  4. randei!!

    natatawa ko sa mga hitsura nila. lalo na yung lalaking nasa leftmost top row. parang kagagaling lang sa kanal.

  5. soulmate! hahaha. ang mga jologs may sub chapter, at yun ang mga emo na tulad nila. tama ba?

    bob! hahaha. kung ganun, saan nanggaling yung nasa rightmost bottom row? sa pozo negro?

  6. haha naalala ko nga yung concert sa sport center haha lahat naka itim para ngang may meeting ng mga kulto hehe …
    natatawa ko sa mga itsura nila dugyot talaga hehe kaya pala mapanghi hehe,..

    :)

  7. yung pamangkin ko gumagaya sa ganyan..ang sabi ko..cg kung ayaw mong baguhin yan umuwi ka na sa probinsya at wag ka na mag aral dito..sindak lang pala katapat eh..nakuha din!hehe..

  8. tang ina muh d naman nanggaling ang emo sa may chemical romance eh vovo posero
    tang ina mo pag nakita kta babanatan kta pak u e2 ka ..i.. gago gangster ka ba pag rackers ka posero ka gago nakakagigil ka pak u

    • iniisip ko kung buburahin ko ba ang comment na ‘to, pero for the moment, hindi muna.

      kung sino ka man, please, paki-basa naman ng maayos yung entry. please lang. ang dami mong sinabing sa’yo lang nanggaling.

  9. hehehe..masyadong defensive!

    relax lang pare!….opinion mo igagalang,please opinyon namin igalang mo din…diba???

    • hindi ako defensive, at mura siya ng mura. hindi na opinyon yun.

  10. Kainis yang mga batang yan. Alam niyo bang glue ang ginagamit nila para patirikin ang kanilang buhok? Mahal kasi ang hair spray para magaya nila buhok ng mag scene kids. XD


Magpaskil ng Puna

*
*