At nanalo ang Boston sa Cleveland at L.A. Lakers sa New Orleans. Hay. Maliban sa Detroit, lahat ng boto kong mananalo ay natalo na. Hala.

Eto ang mga gusto kong manalo sa kani-kanilang mga Conference at kung sino ang sa tingin kong mananalo. Bago mag-react, isiping mga opinyon ko lamang ang mga ito. May halong bias na ang mga ito. Hindi naman ako expert pagdating sa stats at pagbabasa ng outcome ng mga laro.

EAST
Sino ang gusto kong manalo: Detroit Pistons @ 4-3
Bakit: Dahil alam kong magaling talaga sila bilang isang koponan. Sila lang bukod sa Lakers ng kapanahunan ni Magic Johnson ang nakarating sa Conference Finals ng 6 na magkakasunod na beses. Marami ang ayaw sila dahil sa “boring” daw ang koponan nila, walang superstars, may Rasheed Wallace lang na laging nate-technical. At iyon ang gusto ko sa kanila– team play. Depensa. Ang basketball ay tungkol sa team play, hindi superstars (pero syempre bonus na ang superstars).

Sino ang malamang na mananalo: Boston Celtics @ 4-3
Bakit: Isa sa mga nakikita kong dahilan ay dahil laging dinadaga ang Pistons sa mga mahahalagang laro sa kasaysayan nila. Hahaha. At syempre, dahil daw sa Big 3 (Allen, Pierce, at Garnett). Saka uhaw na uhaw sa championship si KG (hindi pa yan nakakatungtong ng Finals sa tanang buhay niya) at ang koponan ng Celtics (pangit ang record nila nitong mga huling season). Gusto ko rin naman silang manalo, kaso lang, mas gusto ko talaga ang Pistons. Sa labanang ito ng “Most Underrated Team in the NBA” at ang “Most Overrated Team”, duon ako papanig sa mga onti lang pumapanig.:)

WEST
Sino ang gusto kong manalo: LA Lakers @ 4-3
Bakit: Wala lang. Sawang sawa na ako sa Spurs, eh. Ayoko rin namang manalo ang Lakers (ni minsan hindi ako naging Lakers fan), pero nakikita kong mahusay na ang leadership ni Kobe sa team. Minsan iyon na lang ang iniisip ko, kasi minsan nga naiisip ko, gumanda lang naman talaga ang laro ng Lakers pagdating ni Pau Gasol. Ewan.

Sino ang malamang na mananalo: San Antonio Spurs @ 4-3
Bakit: Simple lang. Magaling sila. Bwiset.

Ngayong alam nyo na ang mga bet ko, sino ba ang sa inyo?:P

4 Mga Puna

  1. ayoko sa spurs kasi boring sila hehehehe :P

    gusto ko celtics :)

    Lakers-Boston sa Finals! Classic!

  2. Weee.. Lakers-Boston nga.. :D Pero feel ko Lakers mananalo.. :P

  3. Eh. Natalo Pistons. Dapat nga sigurong ishuffle na nila line-up nila. Hahaha.

    Anyway, Lakers din ako!:P Go Kobe! Ilampaso na ang Boston!(whoops, nararamdaman ko nang paparating ang lumilipad na tsinelas.:P)

  4. KG deserves to have a championship ring! Hahahaha!
    Tsaka para maiba naman..


Magpaskil ng Puna

*
*