Buwanang Imbakan: Nobyembre 2007

Marunong pa ba akong magsulat? Putsa, wala nang magandang lumalabas sa utak ko nitong nakaraang mga buwan… ay, teka mali. Wala na nga yatang lumalabas sa utak ko nitong mga nakaraang mga buwan. Kung mapapansin mo, wala na akong masyadong naisusulat na matino sa blog na ito, sa totoo lang kasi, wala akong maisulat na… ay, teka mali. Sa totoo lang kasi, wala akong oras na mahanap para maupo sa isang tabi at mag-isip lang tungkol sa kung anu-ano, kung hindi mo lang kasi alam, sa ganitong paraan ako nagsisimulang magsulat. Hahanap lang ako ng tahimik na lugar, ‘yung medyo mahangin, ‘yung medyo hindi mabaho tulad ng internet shop kung nasaan ako ngayon, at ‘yung may nakahanda nang intermediate pad at ballpen sa aking harapan. Ganun. Wala na akong oras para gawin iyon. Nakakalungkot.

Nakakalungkot talaga kapag hindi mo na nagagawa ang mga bagay na nagagawa mo dati. Kunyari ‘yung mang-spot sa malayo pa lang. O mag-solve ng matitinding math problems na parang wala lang. O ‘yun nga, ang magsulat tapos maraming matutuwa kapag nabasa ng iba. Bwiset talaga. Bwitheeth.

Bigla lang akong nagkaroon ng interes para sumakay na sa bandwagon. Hahaha.

1. Nasabi ko na sa’yo ‘to, at seryoso talaga ako dito. Personal na paborito kita. Isa ka sa mga blogger sa buong blogosphere na gustong-gusto kong binabasa ang mga sinusulat.

2. Pasensiya na sa lahat ng mga pagkukulang ko sa iyo. Alam kong hindi ko rin nagawa ang mga dapat kong gawin. Inaamin kong mali ko lahat iyon.

3. Kung ang pagiging mag-soulmates ng dalawang tao ay maaring piliin, malamang nagawa ko na iyon sa iyo.

4. Naaalala ko pa iyong panahon na nag-usap kami ng isa pang kaibigan tungkol sa iyo. Isa kang napakabuting kaibigan, tinuturing nga kitang para ko nang kapatid noon pa, kaya nga gusto kong sabihin na may ugali ka na dapat baguhin mo na.

5. Alam mo yung kantang “Oo”? Oo, dinededicate ko para sa’yo ‘yun.

6. Kung hindi dahil sa iyo, wala sana ako ngayon sa kinalalagyan ko ngayon. Naging inspirasyon kita sa paglilingkod. Isa kang tunay na huwaran, sigurado akong magiging matagumpay ka sa kung anuman ang pinili mong trabaho.

7. Napakasuwerte ko at nakilala kita. Sa paningin ko kasi, bihira lang ang tulad mo na sumikat na ng sumikat ngunit hindi pa rin natatanggal ang paa sa lupa. Hindi ko maisip na magagawa ko sa ibang tulad mo ang magpakuwento tungkol kay Fafa Fiolo o magpaplano na gumawa ng tsismis para lang ma-guest sa gossip shows.

8. Namimiss na kita. Kamusta naman ang pangangalikot ng bangkay dyan? Kung magkakaroon man ng trip na kasama ka, sasama talaga ako. Madami ka nang utang sa aking kuwento. Hindi ko naisip na ang pinakamatindi kong karibal noong bata pa ako ay magiging bestfriend ko pala.

9. Maglalabindalawang taon na tayong magkasama, pare. Hayip, hindi na tayo pinaghiwalay ng tadhana since grade 3!

10. Mawawala ka ba naman dito, e dahil sa’yo kaya ako napagawa nito e! Hahaha. Maraming salamat sa pagiging isang napakahusay na soulmate. Wag kang papaapekto sa iba, magaling ka, pramis.

Basahin ang Karugtong »

Maraming salamat sa 8 1/2 oras na break ko ngayong araw na ‘to, nakapag-update ako. Minsan nga naman iba talaga kung magbiro ang tadhana e, no? Titingnan ko pa kung ang sched ko ngayong semestreng ito ang magiging pinakamaganda, o ‘pag minalas, pinakapangit. Ni isa man sa araw ko ay walang magkapareho.

Ngayong araw na ‘to, may klase ako ng 8:30-9:30, pero ang susunod ay alas-sais hanggang alas-nuebe na ng gabi. Puwedeng-puwede pa ako mag-hiking sa Baguio o sa Tagaytay bago magklase. Teka… maganda ‘ata ‘yun a. Ay, hindi… swimming na lang siguro sa Batangas. Puwede rin akong maghanda ng 200 pesos tapos magpapabalik-balik lang ako mula Katipunan papuntang Recto hanggang sa maubos. O kaya naman, kapag tinatamad ako, magsha-shopping na lang ako sa Recto ng mga dibidis. Olrayt!

Kapag TTH naman, simula ng klase ko ay alas-tres ng hapon. Puwedeng-puwede pa akong magbisikleta sa Quezon City Circle tapos kakain sa MOA. Tapos kapag naisipan pa magpakasawa sa bagong carnival doon. O kaya naman, punta ako sa UP tapos pagsasawaan lang ‘yung mga kainan dun, tapos lilibutin ko ‘yung buong lugar at ililista lahat ng gusali dun. Puwede rin akong tumambay na lang sa mall… ay, wag na lang pala. Puntahan ko na lang kaya ‘yung mga kaibigan ko sa ibang lugar tapos yayayain kongĀ  mag-cut ng mga klase nila! Hahaha! Pwede!

Pero syempre hindi ko na isi-spill ang buong sched ko. Hah! Mahirap na, baka ma-stalk pa e.*iilag sa paparating na tsinelas*

Sa pagkakaalam ko, nasabi ko na ‘to dati. Kung naaalala niyo pa, sabi ko dati, isa sa mga pinakamalaking tanong ko sa mundo, ay kung tama bang bigyan ng limos ang mga taong nanghihingi nito, lalo na ang mga pulubi na nasa lansangan (iba-iba sila– may mga matanda, bata, matandang may kasamang na bata, bulag, pipi, bulag na naggigitara, piping kumakanta, pilay na nagda-drums, mga taong-grasang may plaka sa dibdib at sinasabing sila si nora aunor o si fernando poe, galing sa probinsiya ng samar o surigao, at kung anu-ano pa). Kahit alam ko na huwag, dahil itinuro sa akin ng mga kaibigan at magulang ko, minsan ng mga guro sa Ateneo, (dahil minsan raket lang ito, o mas mainam na pagkain na lang ang ilimos), kapag nakaharap na sa isang pulubi parang napapaisip pa rin ako sa pag-iwas na alam ko nang gagawin ko. Para kasing isang malaking pagka-impokrito ang nararamdaman ko (na parang nararanasan ko rin sa pagtangkilik ko sa mga piratang vcds at dvd. nyahahaha. hi mr. manzano! nakita mo na ba yung “Extreme Papaya” album mo na pirata?) dahil sa paniniwala ko na dapat iligtas ang mga mahihirap sa kahirapan, na dapat bigyan ng kung anuman ang mga may kakulangan.

Kanina lang, pagkalabas ko ng simbahan, may nasalubong agad akong isang lalaki, at nanghingi sa akin ng piso, pambibili niya lang raw ng pagkain. Ganito ‘yung nangyari:

pulubi: Kuya, may piso kayo?
ako: Bakit? (isang malaking katangahan para itanong, naisip ko. hello? wala siguro siyang piso kaya siya nanghihingi.)
pulubi: Pambibili ko lang ng pagkain.
ako: (may nakitang isawan na malapit sa akin.) Bumili ka na lang ng pagkain. (kita mo na? katangahan na naman. wala na ngang pera, inutusan pang bumili ng pagkain. at saan pa? sa isawan?)
pulubi: (tahimik, naghihintay)
ako: (kumapa sa bulsa, walang piso.) Wala e.

Hindi ba mali? Lagi kong sinasabing “tulungan ang mga nagugutom” sa mga papel ko sa Theology, Economics of Development at Developmental Studies pero kapag sa totohanan na, hindi ko naman talaga nagagawa.

Basahin ang Karugtong »

Pasensiya na, hindi na kita napapansin nitong mga huling araw.

Alam mo naman, kapag bakasyon talaga hindi na tayo nagkikita. Naging maganda naman ang bakasyon, huwag kang mag-alala. Tulad noong isang taon, nagpunta kami ng buo kong pamilya sa puntod ng lolo at lola ko sa may Rodriguez, Rizal. Pero iyon lang naman ang nagawa ko, kadalasan, nasa bahay lang. Totoo, nakalimutan kita kahit na sandali, pero seryoso, na-miss kita. Hintayin mo lang blog, marami akong kuwento.

xoxo,
Randy