Buwanang Imbakan: Agosto 2007

Nitong mga huling araw, nahihirapan na akong makahanap ng panahon para umupo sa isang sulok at gawin ang isa sa mga pinakagusto kong gawin sa mundo… ang mag-isip at magsulat ng kung anu-ano lang. Ang mga masama pa rito, kung pipilitin ko mang magsulat, walang magandang lumalabas. Mayroong lumalabas, oo naman, pero madalas walang kuwenta.

Kung madalas kang madaan dito, pasensiya na, wala ka talagang mahihita ngayong mga panahong ‘to. Patawad sa lahat ng mga dumadaan (alam ko namang meron n’yan kahit konti), wala ngayon, nagliliwaliw ata kung san-san, ang randy na manunulat at magkukuwento ng kung anu-ano. Lumayas muna siya sandali, tinadyakan kasi siya sa pwet ng Praxis at LS at Theology at Philosophy at PolSci projects niya.

Sabi ng nanay ko isang araw nung pinagagalitan na naman ako. Pa’no ba naman, nagpatuloy na naman ang katangahan ko bilang tao. Nakawala na naman ako ng sarili kong gamit.

“Ma, nakita mo ba ‘yung naiwan kong planner sa kuwarto ko?”

“Hah? Hindi! (nanahimik sandali) Nakaiwan ka na naman ng gamit?! Bratatatatatatat… (tunog machine gun na dahil hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya sa bilis)”

At ayun na, sunod-sunod na bira na naman ng lahat ng naiwan ko sa loob ng halos labingtatlong taon ko ng pag-aaral. Sabi na, dapat talaga hindi ako nagtatanong sa nanay ko ng mga bagay na hinahanap ko. Para ko lang inihain ang sarili kong ulo sa kakain sa akin.

Panyo, bimpo, lunchbox, coleman water containers, tee shirts, mga payong, notebooks, mga mamahaling libro, at ‘di mabilang na ballpen. Karamihan sa mga nawala kong gamit nawala ko noong bata ako, kaya naman nakakahiya na hanggang sa ngayon nakakawala pa rin ako ng gamit. Mapagbibigyan pa, oo, kapag bata ang nakakawala ng gamit. Kapag matanda na, nakakahiya.

Basahin ang Karugtong »

Si Al lang ang kilala ko dito, at ancient na ang kantang ‘to, pero kahit na, ipa-plug ko na rin. Kung hindi mo lang alam, masaya kasi ako para sa mga taong ‘to (kasama na ang ilan sa mga na-plug ko na gaya ng Wake Up Your Seatmate at Saranggola ni Pepe) kasi talentado sila, kung gugustuhin lang nilang sumikat, kayang kaya nila. Ay, sikat na pala ang Wake Up (wink wink to Pat). Haha. Ang Saranggola ni Pepe boys, hintayin niyo. Etong bandang to, hintayin niyo rin. Mabuhay ang mga ‘tenista home-grown talents! Yahuu!

The Yahoo Song
The Fruits

This cycle is here, Its making me sick
Making me feel like a million miles away
Dreaming that lady luck will come my way
Maybe this bottle can ease the pain

Singing this tune that you’ll never understand
Hoping that you’d hold my sweaty hands

When can I break free from these chains?
It holds me back, and I’m blistered in shame
How can i make myself initiate?
Still standing here as you sail away

Basahin ang Karugtong »

Dahil ngayon lang pagkatapos ng mahabang panahon ako mag-uupdate, mag-uupdate ako kahit na wala akong magandang ibabahagi. Ano lang, buhay ko sa loob ng bahay namin habang bumabagyo sa labas? Ang pagpanood ko sa 23 episodes ng Heroes ng dalawang magkasunod na araw? Ang pagkatamad ko sa paggawa ng WAC ko sa LS126? Ang pagsisimula ko ng pagbabasa ng Harry Potter 7? Iba rin talaga ang nagagawa ng isang napakahabang bakasyon. Pakiramdam ko parang hindi na ako marunong magsulat pagdating ng Martes. Pero ayos lang, masaya naman ang makapagpahinga sandali. Sigurado, maraming mga pagod ang masaya, pero marami ding mga barubal na nag-iisip kung magkano na ang nawala sa kanila dahil ilang araw nang walang pasok (na parang business ang pagkuha ng allowance sa magulang).

Pero sa malamang at sa malamang, aalalahanin ng maraming estudyante na sana hindi sila naging masaya sa napakahabang bakasyon na ito, dahil siguradong-sigurado, babawiin ng ating mga napagaling at napakabuting mga guro ang mga iyon.

Hinihintay ko lang ang muse ko. Pramis, next time maayos na entry na.

1. Pinapaliit nila ang bilang ng mga squatter sa kanilang lugar. Nakita ko kung paanong gumanda ang Tumana, isang lugar na parang puwede nang iparis sa Tondo dati. Ngayon, disente na itong puwedeng iparis sa isang village.

2. Dito, ikaw ang tinitigilan ng mga sasakyan kapag tumatawid ng pedestrian lane. Karamihan ng mga motorista ay may disiplina. Hindi iyong aangasan ka pa ng drayber na humaharang ka sa daan at ang sarap ingudngod ang mukha pambura ng puting stripes na nasa kalsada.

3. Takot ang mga bata na magtapon, kahit na balat lang ng kendi, sa kalsada. Dapat sa tamang basurahan. Kasi kung hindi, “Lagot ka kay BF…” (Noong bata pa ako nito at nag-aaral sa Marikina. Ewan ko lang ngayon, “Lagot ka kay MCF na yata.”)

4. It is a walkable city. Bawal na bawal kang magtinda sa sidewalks. Para daw sa tao iyon.

5. Bawal ang nakahubad. Kaya wala kang makikitang mga lasenggong malalaki ang tiyan na puwedeng tagain ang leeg mo kapag natripan nila.

Basahin ang Karugtong »

WAaaaah! Ang cute cute cute! Para tuloy gusto ko na siya maging anak! Hahahaha.