Wah. Nakasulat na ako ng napakahaba tungkol sa bagay na ito para lang malaman na hindi ko pala siya na-save. Anakkanangtokwa talaga.
Isusulat ko na lang ulit siya, pero malamang mas maikli na. Tungkol kasi iyon sa isang gabing pauwi na ako galing sa Him5, isang internet shop sa building kung nasaan din ang Video City, Wok Dis Way, at Drews sa 3rd floor. Sa likod siya ng Shakeys kung nasa Katipunan ka.
Nasa baba na ako nang makarinig ako ng sigawan galing sa Drews, at biglang sumulpot ang isang lalaki, kumakaripas ng pagbaba sa hagdanan, walang pakialam sa mga kabataang madalas mo nang makikita roong nakalupaypay lang– mga lasing, natutulog, nagsusuka, o kung minsan, natutulog sa sariling suka. Sumisigaw ang mga taong humahabol sa kanya ng “Magnanakaw yan! Magnanakaw!” pero nakakapagtaka, mukha namang nakaporma yung mama.
Ang akala ko dadaan mismo sa akin yung lalaki, kaya naman ganun na lang yung kaba ko. Hindi ko kasi alam kung paano ang gagawin sa ganung sitwasyon. Papatirin ko ba? Bubungguin? Susuntukin? Lalaban ba ako ‘pag may icepick na dala ‘to? Sobrang bilis na ng pag-iisip ko noon. Nakaramdam ako ng magkahalong takot at tapang. Malay mo, maging instant bayani of the day pa ako.
Pero habang iniisip ko iyon, tumakbo yung lalaki papalayo sa akin. Papunta sa loob ng building, sa may bandang Wok Dis Way. Hindi ko alam kung tamang sabihin pero may pagkatanga sa ginawa niya, kasi dead end ‘yun. Pagkatapos ng ilang minuto, balik siya at tumatakbo na papunta sa akin.
Kaso lang, nandun na lahat, nakaharang sa kanya, ang lahat ng mga humahabol sa kanya.
Mga lalaki, tanod, at security guards, kanya kanya ng bato ng suntok sa lalaki. Walo yata sila. Napansin naming medyo nagtatagal na ang panggugulpi nila sa lalaki kaya napasigaw na kami (biglang may nagsulputang mga tricycle drivers sa likod ko) na tigilan na, punit na sa gitna ‘yung magandang dilaw na polo shirt nung mama, dumudugo na ang ulo at ilong, at sigaw na ng sigaw ng “Tama na”. Kinailangan pa naming sumigaw ng paulit-ulit para lang tigilan nila ‘yung lalaki.
Noong tumigil na sila, may ilan-ilan pa ring bumabanat sa lalaki, pero humupa na ang tensyon. Naka-pin sa lupa ang lalaki, dagan-dagan ng ilan sa kanila. Nagmukhang kalmado na ang lalaki habang nakapilipit ang mga braso sa likod niya. Akala ng lahat tapos na. Hindi pa pala.
Sinubukan bigla nung lalaki na tumakas, sinamantala ang pagkakataong wala pa siya sa posas. At sa puntong iyon akala ko hindi ko na makakalimutan ang gabing iyon.
Sa pagtakbo ng lalaki, hindi niya alam na nakapaligid na pala sa kaniya ang mga security guards ng lugar. Habang patakbo siya, sa daraanan niya ay isang lalaking nakatutok na ang baril sa kaniya. Nakatutok talaga. Iyong tipong pulis-ako-putangina-babarilin-kita-pag-di-ka-tumigil na klase ng pagtutok. Nagmukha kasing hindi na iindahin ng magnanakaw ang nakatutok sa kanyang baril, pinapatigil siya ng mamang may baril sa paggalaw ngunit patuloy pa rin siya. Minsan lang sa buhay ko ako nakakita ng ganoon. Isang pagkakataong maaaring makakita na ako sa dalawa kong mata ng taong pinatay.
Buti na lamang, naisipan nung magnanakaw na huminto, nagising ata sa katotohanang may nakatutok sa kanya na baril. Buti na lang talaga, kasi ayokong maging witness sa isang pagbaril at hahabulin ng mga pulis tungkol sa nangyari. Basta, ayokong makakita ng napatay na tao. Baka palagi ko na lang maisip iyon sa bawat sandali, kahit na sa pagtulog ko. Diyos ko po, huwag naman.
20 Mga Puna
SCARY! Buti na lang hindi ako ang nasa posisyon mo. Malamang takot na takot na ako, at hindi na talaga ako lalabas ng dorm.
Walang hiya ka.
Ikinuwento mo pa ang buong detalye. So kami naman ngayon ang kinakalikot ng imagination namin. LOL
Hayup sa imagery ang galing. Pasok na pasok sa kokote ko ang takbuhan ng mga tao.
Nice read! Madalang lang akong makakita ng blogger na marunong magkwento. I mean marunong mag kwento ng kwenta.
Mabalik balikan ko ang blog mo. Nilink pala kita. Para hindi ko na rin makalimutan bumalik!
putcha. di na ko maglalakad sa street na ‘yun. scary, grabe.
Mel! Kaya dapat mag-iingat ka. Punong-puno na masasamang elemnto ang Katipunan Ave. Akala mo lang hindi.
Isagani, salamat salamat.:) Nagiging tapat lang naman ako sa “art” ng pagkukuwento. Dapat bigay na bigay. haha.
Cel! Ok lang naman maglakad doon, dapat lang may kasama ka lagi. Lalo na ikaw. Hot ka pa naman. hahaha. Ok lang nandyan naman si boyps e. hehe.
pota! Drew’s haha! ansarap ng jerbaxx… un lang ang iniisip ko habang binabasa ko ang entry na toh. hihi
Buti naman soulmate at ok ka lang. Buti hindi ka nakakita ng pagpatay. Ako rin siguro mato-trauma if ever.
wow, real world experience, kuya randy! haha.
ako nakakita ng pinatay at nabubulok na tao nung summer, sa likod ng bakuran ng pinsan ko tinapon. kalahati na ng mukha niya inuuod at ang itim na niya at contorted ang katawan.
sorry, ang epal. haha
at habang nagrereminisce ako… magdidinner muna ko. ugh. haha
kinabahan naman ako dun.. buti na lang hindi ako ikaw.
anak ng tipaklong nakakatakot yun ah. actually, nung binabasa ko, ini-expect kong babarilin siya. haha. pang-MMK ito randy. magpadala ka na ng sulat! dali! haha
Ahahaha. Ate chi! Good idea, ipapadala ko ito ngayun din kay Charo Santos. Kaso pang 5minutes lang yata to e. haha. At anong magandang title? “Suka”? :p
Tehani, totoo ba yan? Paano daw namatay yun (siniseryoso ko ang sinabi mo)?
Paurong, Heneroso, Soulmate, salamat. Buti na lang talaga wala akong nakitang traumatic.
kung napatay yun, siguro na-balita yan sa TV tas iinterviewhin ka! hanep! magtatago ka ba sa alias? tas naka-cap at shades ka para di malaman hitsura mo at di ka hanapin nung mga guard!
maniwala ka! totoo talaga yun.hehe. kami kasi ng mga pinsan ko eh, masyadong usi kaya natrauma tuloy kame.hehe.
di ko na alam kung paano pinatay eh. di kinaya ng detective skills. haha
ang lupet… nabagabag talaga ako. Isa pang nakapagpabagabag sa akin, saan yung Him5? iba pa ba yun sa world net? yun yung kulang ko sa pagbuo ko ng pangyayari sa aking isip. hehe. da bes ka talaga magkuwento, d!!
hayup ang daming pumupuri. lumalaki na ulo mo gago!
nakanangpow! haha ewan ko lang ah, pero at this time, para sa akin, gusto ko ako yung “pulis-ako-putangina-babarilin-kita-pag-di-ka-tumigil”… haha ewan lang. adrenaline rush yun eh! haha
o kaya gagayahin ko yung ginawa ni Lucas nung siya yung janitor sa play nila nung 4th year [yung mental doctors sila Gio at Bobby] – makikiepal ako sa pagbugbog nung magnanakaw… para ma-experience lang din. whehe bubuhos ko yung galit ko tapos sinasabi ko yung pangalan ng taong galit na galit ako habang inaapakan ko yung mukha nung magnanakaw… or something… nyahahaha
Soulmate! Balik blogger life na naman ako. At may nagbabalik. Hehe! Check it out! (ala Fergie sa My Humps)
Soulmate! haha. Welcome back! Anong url?
Martin, naaalala ko yun. Haha. Naglilinis daw kunwari pero babanat din e, no? Naku, namimiss ko yung play natin na yun ah!
Tehani, oo, convinced na ako. Buti na lang hindi ako ikaw.
Ate Chi! Oo, ganun nga! O kaya naman, magpapainterview lang ako sa madilim na lugar. Tapos ipapadistort ko yung boses ko, na parang pag pinakinggan mo parang nakikinig ka kay diablo.
Kupal, hindi lalaki ang ulo ko. Pramis. Sinasabi mo yan na parang kilala mo ako, ah.:p
hala.
buti nalang kuya, la nanyaring masama sayo.
nakakita na ako ng patay eh. nasagasaan naman. grabe. maaring hindi kapanipaniwala, pero nung nadaanan ko ung patay, amoy marshmallow na sunog.
nakakapagtaka, pero yun talaga naamoy ko. tsk.
Talaga? Tao ba talaga yan? O sunog na marshmallow lang?
nasagasaang marshmallow? hindi eh.
tao talaga, kuya. haha.