Birthday ni Charmie nun, sobrang init, nakaupo kami sa isang bench sa Kostka. Inaasar namin ang blockmate namin dati pero sobrang malapit sa aming mga pusong si Jodel, sa kanyang crush na itatago na lang namin ang pangalan. Hahaha. Kala niyo ha.

Hindi ko alam kung sa tindi lang talaga ng init nung araw na iyon, pero sobrang nakakatawa lang talaga nung isang linya ng pag-uusap namin. Sa sobrang tindi natatawa pa ako ngayon ‘pag naaalala ko. Siya, siya, tama na ang palabok.

Ako: Jods, mamahalin mo pa rin ba si **** kahit na kalbo siya?
Jods: Hmm… (umiiling) Wag naman… Ano ‘yun, naka-wig? (Nag-isip pa) Oo naman.

Sa puntong iyon, pinigil ko na lang ang tawa ko, alam kong mainit, baka lang nahihilo siya. Tinanong ko ulit.

Ako: E kung may buhok siya sa kili-kili, mamahalin mo pa rin?
Jods: (Nag-isip ng sandali) Hmm… Oo naman. Meron din ako nun e.

Kumakanta si Charmie noon at parang nagsarili ng mundo, pero na-distract pa rin sa narinig. Grabe, alam ko na gaano katindi ang pagmamahal na iyan, Jods!;P

At pasensiya na, kailangan ko lang talaga i-post yan. Hahaha.

3 Mga Puna

  1. in fairness randei, pinost mo talaga. benta talaga yung sa kili-kili eh. seryoso pa yung pagkakasabi nya =))

  2. … pranka ang nag post nito. hehe. ^_^

  3. Huh? Anong ibig mong sabihin sa “pranka”?


Magpaskil ng Puna

*
*