Sobrang gustong-gusto ko talaga ng mga history classes. Siyempre, kapag mahusay (na ibig sabihin, alam niya kung paanong hindi magiging boring ang klase) lang ang prof. Pero seryoso, bilang isang subject, gustong-gusto ko siya. Ewan, mahilig lang yata talaga akong makinig sa mga kuwento gawa ng pagkahilig ko sa pagkukuwento, o sa kaloob-looban ko, may pagkahistoryador pala ako, hindi ko alam.
Suwerte ko naman, hindi pa ako napupunta sa isang walang kuwentang history class (again, na ang ibig sabihin ay walang kalatoy-latoy ang guro dahil wala siyang pagkaawa sa mga estudyante niya, history na nga, hindi pa ginagawang interesante) . Si Mr. Dave Lozada ang sa Western history, at Mr. Filomeno Aguilar sa Rizal and Emergence of the Filipino Nation. Parehong magagaling na guro dahil alam nila kung paano ituro ang history sa mga bata pang mabilis mabored at mangulit sa katabi, mag-vandal sa desk, mambato ng crumpled paper, at kung anu-ano pa. Iginalang ang minahal ko ang history dahil sa kanila.
Kanina, para sa unang klase namin sa History 166 (Philippine History), nagka-film showing kami.”SigloFilipino” yung titulo nung palabas, binuo ni Mr. Nick Joaquin. Halos dalawang oras siya tungkol sa Philippine History, simula sa pagpasok ng 20th century, o yung simula ng pagpasok ng mga Amerikano.
In a flash, ito yung lahat ng natatandaan ko galing sa pelikula. Lahat siguro ng mga interesting facts nandito.
1. Sina Elpidio Quirino, Carlos P. Garcia, at Ferdinand Marcos (galing lahat sa 3rd Republic) pala ay mga infamous presidents ng kanilang panahon. Akala ko si Marcos lang.
2. Tinawag minsan ang Pilipinas ng mundo bilang, “land of 60 million cowards and 1 son of a bitch.”