“Anong gupit mo, papa?”

Patay. Patayo na sana ako pero pinigil niya ako sa balikat. Wala na akong magagawa, bigla siyang sumulpot sa likod ko. Mahaba ang buhok niya, “layered” pa, pero lalaki siya. Saka isa pa, hawak na niya yung gunting niya. Narinig ko ‘yung pagbuka-sarado nun.

Para mas lalo akong walang magawa, inispreyan na niya yung buhok ko na parang papaliguan ako na parang baby sa dami ng tubig. Tumutulo na sa kilay ko yung tubig, ayaw pa niya tigilan. Mukha na akong basang sisiw.

“Uh, trim lang. Pakibawasan na lang hanggang pwede nang lagyan ng gel.”

Agad niya nang sinimulan ang paggugupit gamit ang kanyang mga pumipilantik na daliri. Ok naman sana ang lahat ng bigla siyang nagtanong.

“Papa, ’san ka nakatira?”

Kinabahan na ako bigla. Sasabihin ko ba kung saan ako nakatira? Sasabihin ko bang sa Ifugao? Sa Iraq? Kailangan kong mag-isip agad, nakadikit na ang gunting niya sa tainga ko.

“Uh, malapit lang.”

“San nga?”

Anakngleche. Hindi ako titigilan nito.

“Uh, sa Antipolo.”

Tumahimik siya, nag-concentrate sa paggugupit. Pagkatapos ng ilang minuto, nagtanong na naman siya.

“‘San ka nag-aaral?”

Sa isip ko, “Anakngtokwa, bakitkabanagtatanong?” Hindi ako masungit o anuman. Hindi lang kasi ako sanay na iniinterview habang may matulis na bagay na nakatutok sa leeg ko.

“Uh, dyan lang sa may PSBA.” Napasinungaling pa ako ng ‘di oras. Medyo naiirita na ako noon, basang-basa ang ulo ko, ‘di ako sanay na iniinterrogate ng bading na may armas na gunting at blade at razor. At ayoko nang tinatawag ako ng “Papa” kung hindi ako ang tatay niya.

“Ah, ok, ” sabay kuha ng razor at binawasan ang likod ko sa bandang batok. Akala ko ok na siya, pero nagtanong na naman ulit siya.

“May girlfriend ka na ba?”

“Ha?” agad ang naisagot ko, salitang lumabas kapalit dapat sanang lalabas na “What the hell? At bakit?” Hawak na niya ang blade nun at tinapat sa bandang tainga ko.

“Puputulin ko ba?”

“Ang alin?” Tarantang tanong ko.

“Puputulin ko ba? Yung patilya mo.”

“Ah, hindi. Wag, wag,” sabay iling, isang bagay na hindi dapat ginagawa kapag ginugupitan ng barbero.

Akala ko makakatakas na ako, pero hindi pala niya nakalimutan ‘yung tanong niya. Putek, kailangan ko na talagang umalis dito. Hindi na ako mapakali.

“Ah, oo,” sabi ko. Sinabi ko na lang oo para tumigil na. Sa wakas, tumigil nga siya.

Pinagshampoo niya ako pagkatapos. Alam kong dapat pang bumalik ulit sa kanya para lagyan ng gel (sabi ko kasi yun kanina) ang buhok ko, pero hindi na, uuwi na ako.

Nagbayad ako sa kahera at labas na agad. Bago ako makarating ng pinto, sinabi niya sa akin,

“Pa, balik ka, ha!”

At ako naman, dire-diretso na sa labas. Sumakay ng jeep. Napansin ko na lang sa loob ng jeep na hindi pa pala ako nagsusuklay. Gulo-gulo pa ang basa kong buhok na parang tumakas lang sa kaka-raid na sauna. At punong-puno pa ng pulbos at buhok ang leeg ko. Ayos lang ‘yun, naisip ko. Nakatakas naman ako sa talim ng gunting at walang katapusang pag-spray ni Ate Bruno, ang aking freaky manggugupit.

12 Mga Puna

  1. huwat? totoo ba ‘to randy? ang funny na naman grabe! haha. ang hot mo na ata lately. :p

  2. precious, kung magiging hot ako sa ganitong paraan, thanks, but no thanks.

  3. bwahhahah nangyari na rin sakin yan, sa may bench fix it salon pa. eeheh

  4. pat pat pat. sabi nga nila beauty comes with a price. ;p so kumusta ka naman randy?

  5. hahahahahah!!! ibang level talaga si randy

  6. Bench Fix pa? Nangyari yan sa Ricky Reyes Haircutters.

    precious, ok naman ako. i know it comes with a price, pero pinagtataka ko lang wala naman ako nun. why do i have to pay the price?

    ate chi, sige, tawa pa. sige ka, ikaw rin.:p

  7. “Puputulin ko ba?”

    ayun eh… lagot ka nga! hahaha!! =P

  8. hahahaha. hindi ba nakakakaba naman talaga pag tinanong yan sa’yo ng barbero?

    “boss, puputulin ko ba?”

    “ang alin?! ang alin ang puputulin?” hahaha.

  9. Nakakatawa lang kasi reaction mo. haha Bading pa talaga ang nagtanong eh… hahaha LAGOT KA. Kakagatin nya yang…buhok mo. hahaha!!

  10. ang bading mo talaga martin. haha.

  11. gago

  12. haha ok ah…sayang sinabi mong me gf ka…kung wala, siguro itatanong nya susunod kung meron ka nang pang-tuition :D

    iskolar ka na sana :P


Magpaskil ng Puna

*
*