Kanina sa jeep na sinakyan ko papunta ng Ateneo, may nakasabay ako na lalaki, may katandaan na, maitim, pero pormal ang suot– nakapolo’t slacks at itim na sapatos pa. Puwede nang kagalang-galang.

Kaso lang, sa pamamagitan ng kanyang camera phone, kinunan niya ako ng litrato. Unti-unti niyang tinaas ang kanyang phone na kunwari magtetext daw pero nakatutok naman sa akin.

Baka naman sabihin mo nagfi-feeling ako. Nakasigurado ako na kinunan nga niya ako ng litrato dahil pagtingin ko sa kanya, ngumiti siya sa akin. Watdamadapakinsheters!!! Waahh!! Sobrang nag-freak out talaga ako, pero malayo pa ang bababaan ko kaya wala akong nagawa kundi tumingin sa labas na kunwari walang alam sa nangyari.

Hindi ako homophobic, pero pucha naman, sana walang mga ganito. Nagpaalam naman sana siya. At sa publiko pa, talaga naman. Tapos ngingitian ka pa. Sino bang hindi magfi-freak out nun?

Pagdating ko sa bababaan ko, karipas ako ng pagbaba at hindi na lumingon pa. Bakit ba laging sa jeep ako nako-corner ng mga ganitong klaseng badingerzis? (Marami pang ibang karanasan dito.)

*****

Maraming napupunta sa site na ito dahil naghahanap sila ng “hubad na lalaki” at “hubad na babae”, ayon sa site stats ko. Nacurious naman ako, tinype ko sa google yung mga keywords na yan at oo nga, nasa top 50 pa ako! Dun ko nalaman na kaya ganun ay dahil sa comment (Jun Bordeos! Ikaw yun!) sa isa sa mga post ko. Haha.

Paalala ko lang sa lahat ha. Wala pong larawan ng mga hubad na tao dito. Hindi ito graphic o literary porn site. Kung ako man gagawa ng ganun baka gumawa ng lang ako ng manipis na erotic pocketbook na mahilig basahin ng ating mga househelp kapag sila ay walang ginagawa sa bahay. Magiging pioneer ako ng mga erotic pocketbooks with built-in pop-up NSFV pictures kung magkataon.

11 Mga Puna

  1. cool! habulin ka!

  2. hahaha Ano ba yan! haha Yan ang nangyayari pag hindi ipinapahiram yung DVD eh… Karma! hahaha Joke! :P

  3. hanep naman si randy… Dik Head ka kasi.

  4. to heneroso: hindi cool yun dude. sinasabi ko sa’yo. hindi siya cool promise.

    to martin: hahaha. anong connection ng DVD dun? desperado na si marting ma$#%^&* yung $%^&890345678 nya! hahaha. (oops, sorry marts.)

    to ate chi: oo nga po ate chi e. baka alam nyang dik head ako. ohnoes. nyahahahaha.

  5. nde cool dahil habulin ka, cool dahil nakakita na ako ng kagaya kong habulin din ng mga ganyan.. huhu wala pa yan sa dinanas ko toldudetsongpare

  6. hmm.. naranasan ko na rin ‘yan. kaya lang hindi ako nag-freak out kasi gwapo naman ang kumuha ng pic ko… hihi…

  7. haha. alam kong hindi nakakatawa para sayo pero nakakatawa siya. :D

  8. soulmate!

    feeling ko nangyari na rin siya sa ‘kin sa jeep. ginawa ko, tinaasan ko siya ng kilay. tapos bigla siyang napatingin sa kin. tapos binaba niya na cell niya.

    scary noh?

  9. to heneroso: ah ganun ba. okay pala e. pareho tayo. dapat pa pala akong magpasalamat at hindi ako minolestiya nun no?:P

    to blogkotoh: hm.. teka lang, nabother ako sa sagot mo. so hindi ka magfifreak-out kung gwapo yung kumuha ng pic mo? *”huwaaaat” sa background” pakilinaw naman to oh.

    to precious: tama ka. at sige, pagtawanan mo pa ako. sige pa. sige pa.

    to tina: soulmate! miss na rin kita! sayang lang, hindi ako marunong magtaas ng kilay. aba, kung kaya ko yun, BONGGA! ahahaaay!

  10. syempre hindi… ahihi… kasi pati gwapo nabibighani sakin.. (kapal?!) pasintabi sa mga kumakain…

  11. Dapat humiling ka na manakaw ang telepono niya.


Magpaskil ng Puna

*
*