Buwanang Imbakan: Mayo 2007

“Anong gupit mo, papa?”

Patay. Patayo na sana ako pero pinigil niya ako sa balikat. Wala na akong magagawa, bigla siyang sumulpot sa likod ko. Mahaba ang buhok niya, “layered” pa, pero lalaki siya. Saka isa pa, hawak na niya yung gunting niya. Narinig ko ‘yung pagbuka-sarado nun.

Para mas lalo akong walang magawa, inispreyan na niya yung buhok ko na parang papaliguan ako na parang baby sa dami ng tubig. Tumutulo na sa kilay ko yung tubig, ayaw pa niya tigilan. Mukha na akong basang sisiw.

“Uh, trim lang. Pakibawasan na lang hanggang pwede nang lagyan ng gel.”

Agad niya nang sinimulan ang paggugupit gamit ang kanyang mga pumipilantik na daliri. Ok naman sana ang lahat ng bigla siyang nagtanong.

“Papa, ’san ka nakatira?”

Kinabahan na ako bigla. Sasabihin ko ba kung saan ako nakatira? Sasabihin ko bang sa Ifugao? Sa Iraq? Kailangan kong mag-isip agad, nakadikit na ang gunting niya sa tainga ko.

Basahin ang Karugtong »

Maraming napapadpad sa site na ‘to dahil hinahanap nila ang “Panaginip – Wake Up Your Seatmate” o “Wake Up” o kung anumang variation niyan. So nag-upload ako nyan dito. Kung gusto niyo makita myspace account nila, dito naman.

Enjoy!:P

Kanina sa jeep na sinakyan ko papunta ng Ateneo, may nakasabay ako na lalaki, may katandaan na, maitim, pero pormal ang suot– nakapolo’t slacks at itim na sapatos pa. Puwede nang kagalang-galang.

Kaso lang, sa pamamagitan ng kanyang camera phone, kinunan niya ako ng litrato. Unti-unti niyang tinaas ang kanyang phone na kunwari magtetext daw pero nakatutok naman sa akin.

Baka naman sabihin mo nagfi-feeling ako. Nakasigurado ako na kinunan nga niya ako ng litrato dahil pagtingin ko sa kanya, ngumiti siya sa akin. Watdamadapakinsheters!!! Waahh!! Sobrang nag-freak out talaga ako, pero malayo pa ang bababaan ko kaya wala akong nagawa kundi tumingin sa labas na kunwari walang alam sa nangyari.

Hindi ako homophobic, pero pucha naman, sana walang mga ganito. Nagpaalam naman sana siya. At sa publiko pa, talaga naman. Tapos ngingitian ka pa. Sino bang hindi magfi-freak out nun?

Basahin ang Karugtong »

RULES: Each player of this game starts off with 10 weird things/habits/little known facts about yourself. People who get tagged need to write a blog of their own 10 weird habits/things/little known facts, as well as state this rule clearly. At the end, you need to choose 6 people to be tagged and list their names. No tag backs.

**Like the person who tagged me, I already did this survey but got tagged and I’m willing to shed some more so there. Another 10 randy-weirdness spilled!

1. I have great fascination/amusement/liking/inclination/thing (whatever applies best) with girls who wore those black, heavy-rimmed almost square eyeglasses. It must be a remnant of a childhood crush (at least, that is what I suspect) that has never got off me (if it is, I can’t remember any particular person, though). I considered it weird because most of the time, even though a particular girl is not that astounding or something, I still feel her beauty charming.

2. I’m used to soaping my tummy part first before anything else during bath time.

3. I do not know how to swim. It is a frustration. Care to teach?;P

4. I know that I’ve been raised by my parents without that much money but learning the guitar has never been appealing to me. What I wanted ever since was to learn how to play the violin and the piano. Taas ng pangarap ko e. Yung instrument pa lang mahal na.

5. I have this tendency to always recite rap lines even if I’m alone. That’s why sometimes I think strangers who caught me gibbering think I’m a mentally sick person. The truth is, I’m just a mild obsessive person who always remember specific names, things, and song lyrics and thinks of it over and over again. That’s why I think I could make a great Pinoy Rapper. Just kidding (old Eminem songs are my favorite). So just imagine me in face with a really really LSS type song– you bet, if it got me, you can tell I’m going crazy about it.

Basahin ang Karugtong »

Bahagi ko lang. Haha. Nasa LTS ako ng AMA kanina, at nakakapanibago talaga. Bago, pero natutuwa naman ako sa pakiramdam na member lang ako at hindi officer. Wala nang dapat isipin na extra. Naalala ko ulit tuloy ‘yung pakiramdam na wala kang responsibilidad sa iba. Sa sarili mo lang.

******

Kay saya pala ng walang masyadong iniisip. Aw. Naaalala ko tuloy ang kabataan ko. Yung mga childhood habits tulad ng panonood ng “Cedie” at “Julio at Julia, kambal ng tadahana” sa umaga at pagkatapos ng eskuwela ay diretso na bahay para manood ng “Mojacko” at “Ghost Fighter (na akala ko ang title talaga ay ‘Eugene’)”. Walang aral-aral pero sobrang dali ng pag-aaral. Bibigyan lang ng piso ng nanay ay ok na (na ibibili ko naman ng cherry balls, yung bilog-bilog na bubble gum na pula na puwedeng gawing lipstick dahil sa sobrang coloring, o kaya ng mga “Robo Fighters”, wala pa sikat sa’kin ang chocnut nun, chocolate na may balot ng iba’t ibang klaseng robot). Matutulog ng maaga at paggising sa umaga, ligo at kain ng nakahanda nang umagahan at isang masayang araw na naman.

mojacko

Lahat ‘yan kabaligtaran na ngayon. Hindi ko na iisa-isahin pa (kaya nahalata mong binura ko na yung mga natype ko nang listahan ng lahat ng nararanasan ko ngayon), nakakapanghina lang. Ang hirap maging matanda at maharap sa katotohanang kailangang buhatin na ang mga resposibilidad, sa totoo lang.

Kay sarap nga talagang maging bata. Na-iimagine ko tuloy ang sarili kong kumakain ng paborito kong chichirya (ganyan ata talaga ang spelling nyan) habang nanonood ng Sineskwela at walang inaalalang iba. Sigurado ako may isang alaala ka rin na parang ganyan na minsan gusto mo ulit maranasan. Meron, di ba?

Baron Davis is the new “The Man”.

barondavis.jpg

What could happen in the NBA Finals this year could be one of theĀ greatest upset ever humans will see. This is not far from happening, the heck, they’ve done a feat which many could call the greatest playoff upset ever in the NBA. The Warriors are just so impressive.

Anyway, my premonition says that it’ll be a Utah-Golden State in the second round.