Hindi dahil summer na at nag-summer na rin ang blog na ‘to. Sorry, wala naman kasi akong internet sa bahay. Saka isa pa, na-eenjoy ko ang pagiging bum. Sabi ko naman dati pa, i-eenjoy ko yun. Saka isa pa, nagkaroon kasi ako ng allergy (leche talaga o) at ginagamot ko pa siya. Mukhang sina-suggest talaga sa akin na magpahinga naman daw muna. Hala, mukhang hindi na ako sasali ng Orsem TNT. boo. Saka isa pa, medyo focused ako ngayon sa pagtuturo sa TD summer classes. Ang hirap ituro ng Geom at Trigo, i swear. Hindi ko na kasi matandaan yung iba, aaralin ko na naman ulit. Saka isa pa, hindi ko ganoong kagusto ang Geom nung 3rd year high school ako. Ayokong-ayoko ng proving. hahaha.

Nga pala, may nakita akong bagong nakakatuwang link! Icanhascheezburger! Para sa mahihilig sa pussycats dyan, marami dito!

hafta b dis talls

poot

Ooops. Sorry.

photos stolen from icanhascheezburger.com

2 Mga Puna

  1. enjoy bum life while you can :)

  2. thanks, ate chi, i will. although nakakabother talaga pag walang ginagawa, at wala akong naitutulong sa bahay…


Magpaskil ng Puna

*
*