Oo, lapitin pa rin ako ngayon. At oo, hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin.

“Lapitin ng Pulubi”, posted last September 19, 2005 at www.the-small-talk.blogspot.com 

Hamak na grade 1 pa lang ako, commuter na ako. Mulat na mulat na ako sa kung ano man ang sistemang mayroon sa mga kalsada natin. Sanay na sanay na ako sa usok ng bus, maiwanan at humabol ng jeep, naranasan ko nang mag-”123″, matulog sa jeep tapos lalampas sa bababaan, at kung ano pang pwede mong maisip (Salamat sa Diyos, di pa naman ako naiissnatchan at kung ano pa mang masamang pwedeng mangyari. Sana po, patuloy Ninyo akong bantayan…). Kung tatanungin nyo ako, marami akong makukwento sa kung anu-anuman tungkol sa kalsada.

Kung may isa pang bagay na marami akong pwedeng masabi, bukod sa mga taong nakakasakay ko sa jeep, well, malamang, iyon e yung tungkol sa mga pulubing nakakasalamuha ko sa kalye.

Kanina, habang nag-aabang ng jeep pauwi, may biglang sumulpot sa tabi ko na isang bata. Yagit (for the lack of better word), pero may nakasabit na bag sa likod, at nakatingin sa akin na may sinasabi. Hindi ko siya marinig kasi maingay ang mga nagdadaanang jeep. Yumukod ako para pakinggan siya, at narinig ko na nang mabuti yung mga sinasabi nya…

“Kuya, pengeng pera. Pamasahe lang.”

Nahabag naman ako. Sabi ko,

“San ka ba nakatira?”

Tumuro siya sa kung saan. Binubulong na lang niya yung sagot nya. ‘Di ko na siya marinig. Maraming tao dun, feeling ko nagtitinginan na sila sa akin. Nang may dumating na jeep na maluwag, sumakay na ako, iniwan ko na yung bata pero parang may discomfort akong naramdaman.

Ayoko nung feeling na ganun.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gagawin sa harap ng isang pulubi. Kung bibigyan ko ba siya ng pera o hindi. Rationalization kasi ng maraming tao dyan, “bakit mo binigyan yun? raket lang yun, eh…” o kaya naman, “naku… ipambibili lang ng batang yan ng rugby yan…” Actually, hindi ko alam kung nanggagago lang ba ang isang pulubi o hindi. Mahirap malaman. Lahat kasi sila, halos pare-pareho lang ng hitsura. Pero ang style, hindi. Ito yung ilan sa mga style na nakasalamuha ko na:

“punas-punas sapatos” style
Alam nyo yung mga batang bigla na lang papasok sa jeep at pagapang na pupunasan yung mga sapatos ng mga pasahero? Yung tipong dadaanan lang talaga, na mukang mas dinumihan pa nila yung sapatos mo kaysa linisan?

“wing shield linis” style
Ah, dito, alam ko maraming nagagalit na driver. Ewan, pointless naman talaga yung bigla na lang pupunasan ng mabulang tela yung wing shield mo. Madumi pa madalas yung tubig na hinahagis nila sa kotse.

“boy, wala kaming pamasahe ng anak ko” style
Nabiktima na ako nito minsan. Kala ko naman kasi totoo. May mag-ina na bigla na lang haharang sa’yo tas manghihingi sila ng pamasahe pauwi ng Angeles o kung saan man. Nung nakasalamuha ako ng ganito, nagbigay ako ng pera. Masaya ako nun, nakatulong ako. Pag-uwi ko, sabi sakin ng nanay ko, baka niloko lang daw ako.

Then some months after, pauwi ako ulit, naglalakad sa kalsada kung san din ako nahingan ng mag-ina dati… tas may nakasalubong akong mag-ina na ganto rin yung litanya. Nagtaka ako. naisip ko pa nun, baka ito rin yung nanghingi sakin. Umiling na ako at sinabi kong sakto na sa pamasahe ko lang yung pera ko. Pagkalampas ko, ilang metro lang siguro ay nakasalubong na naman ako ng mag-ina. Same line. Amp. Naloko nga ako dati.

“kuya, pengeng pera” style
Well, sila yung mga walang style. Ilaladlad lang nila yung mga palad nila sa harap mo.

“ill sing/play a music for you” style
Sa lahat ng mga nanghihingi ng pera sa kalsada, dito ako may pinakahumahanga. Musically inclined ba naman e. Ilan sa mga natatandaan ko ay yung bulag kumakanta’t nagkekeyboard ng sabay sa may sports center. Take note: nagkekeyboard ang bulag. Haha. Parang renaissance man. Pati yung mga naggigitara at may kaduet pa (sa may marikina rin yun). Sige na nga, isama na natin yung mga nagkakalampag ng latang drums na madalas gamitin pag nangangaroling ang mga bata pag pasko.

“lovenotes” style
Sila yung mga magbibigay sayo ng sulat o envelope na may sulat na, “Ako po si Nora Aunor, nanghihingi lang ng kaunting tulong…” o kaya “Kailangan ko lang po ng pampaaral ko”.

Isang malaking moral question pa rin sila sakin hanggang ngayon. Ano ba ang tulong na pwede kong mabigay sa kanila? Nakakalungkot nga, madalas, hindi lang pinapansin yung mga taong yun. Naisip ko, grabe, nakakalungkot kaya nun, yung walang pumapansin sayo, or worse, nilalayuan ka pag lumapapit ka. Nakakaiyak siguro yun…

Teka, kayo ba, anong ginagawa nyo pag nakasalubong kayo ng maduming mama sa kalye?

+++++

Kaya nga madalas, kung maglilimos ako, dinadaan ko na lang sa pagkain (kung magkataon man na may pagkain ako o sa malapit). Natuwa ako kanina kasi may nakita ako sa may bandang jolibee katips… may nakasabay akong isang babae, hinahabol yung isang batang madalas mong makikita sa overpass para ibigay yung dala nyang isang box ng cellos donuts. Haha. Binigyan ko na lang siya ng isang ngiti para sa isang saludo. 500 points yun sa langit. 500 ganda points din yun sakin. :)

3 Mga Puna

  1. thanks for sharing your experience and thoughts :)

  2. ei bro, well said.. nice pulubi article/concept. im wondring if you will be interested on my project. it is all about pulubi. The FIRST ONLINE PULUBI. Please feel free to contact me on my email. Don’t worry, it is not another PULUBI STYLE. C yah! :D

  3. hindi mo naman iniwan email mo e… haha. anyway, can you tell more about this “online pulubi”?


Magpaskil ng Puna

*
*