I’m very very sad.
(Hindi ko ginagawa ‘to, pero kailangan ko lang talagang ilabas.)
Kapag nakita niyo ako, binibigyan ko kayo ng pribilehiyo na ako’y sapakin. Pangako, hindi ako gaganti.
Habang naglalakad mag-isa pauwi, napagtanto ko kung gaano ako kasabog ngayong sem na ‘to. Ito na ata ang pinakamatinding “water runs dry” na naranasan ko sa buhay-eskuwela ko.
Para sa’yo, taong tumatawag sa akin na Superman, pasensiya na’t binibigo kita.
Nakalulon ata yung superman na yun ng Kryptonite.
17 Mga Puna
akalain mong sa parehas na araw na yan. Nakapagmuni-muni tayo at napagtanto ang maraming bagay na lubhang hindi nagpasaya sa atin. hayness… hindi na lang kita sasapakin.yayakapin na lang kita. *hug*
okay lang yan randei. may two sems left pa. bawi na tooo!!! hug din kita!
soulmate!!! hindi ka nag-iisa. feeling ko rin ito na ang pinakasabog ko na sem. ito ang pinaka- “you’re a failure” sem. haay. ganito nga ata talaga pag third year. di bale, malay natin sa fourth year medyo madali na ang buhay. sabi din nila kuya angel normal lang daw ‘to. kumbaga, “junior’s syndrome”.
sipag at tiyaga lang sabi nga ni manny villar (with matching dance step na kembot plus taas ng dalawang kamay).
makakaraos din tayo.
(yuck ang haba at ang career ng comment ko.)
teka, sige, maganda yan, sapak lang pala eh. ^_^
senior your will surely be better. =D make sure you get a good Ethics and Theo 141 prof, solb ka na.
correction: senior YEAR. not your!!! haha.
ikain mo na lang yan. pramis, tanggal ang lungkot mo. at tama, siguraduhin mong magaling ang theo at philo profs mo next year.
waaaa! ang daming comment!
kuya gerald, ate chi, salamat. sino ba ang ok na ethics at theo teacher? please, tell!
soulmate, hindi naman nawawala ang pagtitiyaga ko e. oo, totoo nga ang “junior’s syndrome” kung ganun. salamat sobra sa karir na comment. soulmate ka talaga.
foobarph, salamat din.
cel, salamat. bawian na to next year! salamat sa yakap.
ekai, pareho pala tayo. apir. salamat din sa hug.
Mariano sa ph104 (terror pero sulit!)
Father Giordano sa th141 (pramis madali lang siya)
=D
Si Fr. Giordano!
Hehe. Matrabaho pero madaling makakuha ng mataas. Predictable kasi.
Kaya mo yan, Randy
randy, oks lang yan!
ika nga sa philo, ang meron-ito ay naiiba sa ganito-ang-meron. ang pagiging ganito mo ngayon (i.e. pagkasabog sa acads) ay hindi matutumbasan ang talagang ikaw. sadyang higit ka pa sa mga grado mo! at ang marami pang magagawa ang meron-ikaw. =)
ok, salamat ng marami ate chi, ate tish!:)
ayee, marami ka ngang natutunan kay ginoong roy tolentino. hahaha. salamat, maganda at napaalala mo yan.:)
th141 si bobby guev. promise “life-changing” ang class niya. tanungin mo lahat ng gabayano na kinuha ang class niya. at siya yung sa tingin ko e magugustuhan mo talaga. di ka magsisisi.
ph104…uhm…nag-lagliva ako eh. first time niya yung class namin so medyo hindi ganoon ka-impressive. pero baka madalian ka sa kanya.
ph103…please, huwag si miroy.
th151 si mr. dy-liacco. ok na ok. madali…yun e kung magaling kang mambola sa mga essay at marubdob kang mag-orals.
lam mo,sa ngayon maiinis ka sa acads pero pagkatapos ng lahat, mamimiss mo rin yan… parang ako ngayon. hehehe.
wow, thanks kuya gerald for the extensive list.:p
wait. yung kuya gerald ba ay ang ating angel kuya gouki, soulmate? hehe!
kung oo, hello kuya!!!
soulmate, si kuya gerald nicolas yan, hindi yung angel natin. hahaha.
ay! hehe! anyway, hello po kuya gerald nicolas!