Kahapon, napagtripan namin ni Ekai na kumain ng goto bago umuwi. Doon kami nakakita ng goto sa may A. Boni sa Barangka, “Pagkaing Pinoy: Pagkaing Masasarap” iyong pangalan ng karinderya.
Kinse isa. Bili kami ng dalawa. Noong tinanong ng ale sa kasama niya na “Ate, meron pa ‘be tayong goto?”, nagkatinginan na lang kami ni Ekai at napalunok ng laway. Bigla kaming nakaramdam ng pagnanais na umalis, putsa, ba’t nga ba tayo bumibili ng goto sa gabi? E kailan pa kaya niluto yung goto na yan? Patay, malamang, kaninang umaga pa.
Pero nakasandok na kasi si ate. Bahala na. Kala ko ibibigay na sa amin yung mga goto pero buti na lang ininit muna nila sa microwave (nagulat ako na meron silang microwave, halatang magaling silang “mag-init” ng pagkain). Pagkatapos ng ilang minuto, dinala na sa amin ang goto, pero ang mainit e ‘yung mangkok. Kinuhanan kami ng kutsara’t tinidor ng nagsilbi sa amin. Sinimulan na namin ang pagkain ng biglang,
“Ba’t ganun ‘tong goto na to? Lasang Champorado?”
“Baka flavor. Hybrid ba.”
Nag-joke pa ako, pero sa totoo lang, parang nandidiri na ako sa kinakain ko. Lasa nga talagang siyang champorado, parang yung ginamit na pansandok sa goto e yung pinansandok sa champorado na ubos na kanina pang umaga. Dagdag pa, muntik na akong masuka sa mapait na lasa ng sunog na bawang na binudbud sa ibabaw nito na nakain ko. Napansin ata ni Ekai, humingi siya ng tubig.
Ay, napaisip kami. Wag na lang pala. Bibili na lang kami ng softdrinks.
“Ate, isang mountain dew nga.”
Bigay naman siya ng isang bote ng mountain dew, pinaghatian namin gamit ang baso ng karinderya. Doon na nagsimula ang usapan na pinagpausapan pa namin pagkauwi.
“Randy, minsan naiisip ko ‘pag mga ganitong panahon kung sino-sino na yung mga uminom sa basong ‘to.”
Napatigil ako sa pag-inom. Oo nga naman. Hala, ako rin, naiimagine ko na kung sino-sinong mga tao ang gumamit ng basong hawak ko. At ng kutsara’t tinidor na ginagamit ko. Buti na lang, natapos na akong kumain. Nakakabaliw sigurong pag-isipan ang mga taong sumubo na ng mga kubyertos na ginagamit mo habang ginagamit mo pa siya. Nagets mo ba ‘yung punto ko?
Sa aming pag-uwi, napag-usapan tuloy namin ang tungkol sa pagkain sa mga pampublikong kainan. Totoo naman talaga yun… libo-libong tao na nga siguro ang sumubo ng mga kutsarang ginagamit natin pag kumakain tayo sa labas. Walang pinagkaiba ang pagkain namin sa gotohan na iyon sa Ateneo caf, sa Jolibee Katipunan, o sa exquisite fine dining ng Shangrila Hotel.
Sadya nga lang talagang sikolohikal ang mga tao pagdating sa kalinisan.Nililinisan naman ‘yung mga kutsara’t tinidor na ‘yun, ‘di ba? Sinasabon naman siya. Pero isipin mo na lang kung may isang balahurang mamang ginawang toothpick tinidor na ginagamit mo ngayon. Brr… nakakangilo sa kadirian, mehn. Lalo na kung iisipin mong ‘di pa hinuhugasan ng maayos ng mga staff ng isang restaurant ang mga kubyertos nila. ‘Yung tipong binababad lang sa tubig tapos tadaaa… balik na agad sa lalagyanan. Wowowee. Sana sa mga fastfood ‘di nila ginagawa ‘to, kahit na ba may “fast” sa salitang fastfood. Pero magtiwala tayo sa kapangyarihan ng sabon, mga kaibigan. Dapat lahat ng kainan na gumagamit ng bakal na kubyertos ay malinis at hinuhugasan. Pero malay ba natin.
Sana hindi ka nandiri sa mga sinabi ko. Kung mandiri ka man, sa isip mo lang ‘yan. Paranoid ka na.

Lahat ng larawan ay kinuha mula sa google images.
8 Mga Puna
huwahhhh… susmeyo, nightmare lang tong post na ito. gisingin nyo nga ako. huwahhh!
haha!!winner talaga..salamat randy. nag-enjoy talaga akong makakuwentuhan ka tungkol dyan na muntik na nga tayong mag-123.haha!
hahaha. no prob, ekai. buti hindi fried chicken ang pinag-usapan natin.:p
ay, sorry. hahaha. foobarph, the truth hurts.:p
kuya randy! waa.. napaisip tuloy ako.. ndi naman lahat ng food sa caf, parang malinis din.. sa bento nga yung “stove” na ginagamit nila, wala na atang hugasan sa maghapon.. pati yung utensils nila, binababad lang sa tubig.. waaaa.. btw, tag kita.
yehey! thanks karen!:p
recently di na ako kumakain sa bento. hahaha. pero hindi sa dahilang sinabi mo. pero oo nga, mukha ngang wala nang hugasan yun. madaming costumers e.
Lol! Thanks for the eye opening story! My goto tends to look like the picture too, without the champorado flavor and, not to mention, the burnt garlic topping. You should have sarcastically asked them for the recipe. That should give them a strong hint to take up some culinary class.
Hi jean! Hahaha. I think that’s just the way they are. Even if you tell them how bad their food is, the real deal here is the sanity of the place. Baka awayin ka pa ng mga tao dun if ever.:p