Buwanang Imbakan: Marso 2007

Somebody help me! Na-LSS ako sa “Ring my Bell” ni Anita Ward! Attack of the Bading Songs!:0

Hahaha. Anyway, isang laro lang muna, since narelax ang utak ko dahil wala nang pasok, at wala akong masulat na maayos ngayon.

“Name 13 of your friends* that you can think of right off the top of your head. Don’t read the questions underneath until you write the names of all 13 people. This is a lot funnier if you actually randomly list the names first. No cheating!”

1.Ate Chi
2.Kuya Pitt
3.Kuya Guiller
4.Jo-anne
5.Kuya Bel
6.Ekai
7.Kuya Gouki
8.RB
9.Tina
10.Mel
11.Tim
12.Marc
13.Jim

*Gabay Friends

How did you meet 10?
- di ko na rin matandaan, actually. pero later ko pa siya naging kaclose e. baka dahil kay jo. haha.

*What would you do if you had never met 1?
- wala akong ate chi! haha. labo. kidding aside, baka wala akong friend na masipag mag-blog!

What would you do if 6 and 2 date?
-kuya pitt at ekai? hahaha. pwede.;p
Basahin ang Karugtong »

Pasensiya na, kailangan ko lang talagang ipost ‘to. Simula nang makita ko ‘to, hindi ko na makalimutan. Bwiset. Hahahaha. Anong tawag dun, Last Picture Syndrome (LPS)?

spartaaaa
Pirated DVDs: cool

Hahaha. Sobrang sumabog ako sa kakatawa nang makita ko ‘yan. Nakuha ko ‘yan sa sig ni NoisyNoisyAde, isang editor sa The Man Blog (nasa gilid na rin yung link).

Parang may ginagawang kababalaghan si Leonidas. Sabi na nga ba bading yan e.

At patunay lang dun sa comment ni ate chi na weirdo ang pagsasalita ng mga actors sa 300:

redsauce.gif
Kailangan na namang mag-hire ng fazoli’s ng bagong waiter.

Sa sobrang exagg ng pagsasalita nila e pwede mong pasakan ng kung anu-anong salita ang bibig nila. Nasa sig naman ‘yan ni TheBigBoy, pero ‘di ko makita ang site niya. Hahaha. Benta talaga. Binuo niyan mga pare ang araw ko kahapon.:))

ateneo high 1

Hayy. Ang mahal naming Ateneo High. Tahanan ng aming mga kagaguhan at kalokohan…

Ng hotshots at siomai at macbene at swift stop.

Ng dis-o sa banyo.

Ng class nights.

Ng intrams opening (kung kailan nagkakaroon ng maraming babae sa ateneo high kaya ang OA ng mga tao) at sportsfests.

Ng soirees na madalas nauuwi sa sausage parties.

Ng sabpag at dulang panradyo at dula at pelikula.

Ng KFD.

Ng Days.

Ng “porno market”.

Tama si Rizal nang sabihin niyang sa lugar na yan (na dati ay nasa Maynila pa) humimlay ang pinakamasasayang araw niya.  Basahin ang Karugtong »

I’m very very sad.

(Hindi ko ginagawa ‘to, pero kailangan ko lang talagang ilabas.)

Kapag nakita niyo ako, binibigyan ko kayo ng pribilehiyo na ako’y sapakin. Pangako, hindi ako gaganti.

Habang naglalakad mag-isa pauwi, napagtanto ko kung gaano ako kasabog ngayong sem na ‘to. Ito na ata ang pinakamatinding “water runs dry” na naranasan ko sa buhay-eskuwela ko.

Para sa’yo, taong tumatawag sa akin na Superman, pasensiya na’t binibigo kita.

Nakalulon ata yung superman na yun ng Kryptonite.

Kakapanood ko lang nito kanina. Kay sayang pelikula! “This is Spaaartaahh!”

300_posterbig.jpg

Akala ko overrated lang talaga ang 300. Madalas kasi, napapataas masyado ang expetations ko na kapag napanood ko na yung pelikula e hindi na ako matutuwa. But no, iba ang 300. Sobrang astig na special effects, isang fiesta to para sa mata. Mahilig pa naman ako sa action movies. Haha. 300 is a hands down box office at pwede pang movie of the year.

Naalala ko tuloy ang teacher ko sa Western History na si Sir Dave. Siguro sobrang gusto niya tong pelikulang to. Sobrang naiintindihan ko tuloy yung plot (na medyo nasapawan ng action scenes pero ok lang dahil iyon naman ang stength ng pelikula, at ok namang walang masyadong plot dahil simple lang naman yung nangyayari– sasakupin ng Persia ang Greece at kailangang harangan ng platon ni Haring Leonidas ang Thermopylae pass) mula dun sa mga tinuro niya dati. Hehe. Dapat lang maalala ko siya, na-A ko yun e.:p

Ang angas magdeliver ng mga linya ang mga actors, nakakadala. Haha. 2 thumbs pa ang sound effects, cinematography, at score. Faithful lang ang pelikula sa graphic comics ni Frank Miller, na kinuha naman kay Herodotus.

King Leonidas (Phantom of the Opera’s Gerald Butler) is the man. At well, King Xerxes (Rodrigo Santoro, yung surfer sa Charlie’s Angels Full Throttle) is the, uh, She-man.

300g.jpg

Ha? Ilang kilo baaaa?!

 

gerard_butler1.jpg

Ang laki ng shoulder muscles mo ah… Gusto mo nang masahe?

Tama nga sila, pagkatapos kong panoorin to, parang gusto ko munang bumili ng weights at gumawa ng 8-pack… oo, 8-pack, sa tiyan ko.

Para sa isang review na hindi galing sa conventional na rotten tomatoes o ano pang katulad, eto.

Leonidas: “Sparta, what is your profession?”

Companions: “Hau!”

Hau! Kung anuman yung Hau.

lahat ng larawan ay kinuha sa yahoo! movies production photos.

Nainlove naman daw ako sa kanta. Hehe.:p

Kudos to Wake Up! Ganda! Ganda! Mia lupet! Syempre pati ang seatmate kong si Pat din! Yehey!

Panaginip
Wake up your seatmate

Ika’y nakikita ngunit hindi mahawakan
Inakala nandiyan ka pero wala naman pala
Ilang taon na tayo naghihintay para magsama
Ilang taon pa ang kailangang lumipas

Gusto ng maidlip para magkapanaginip
Umalis sa mundong totoo at puno ng gulo
Para kahit sandali ika’y makatabi
Para kahit papaano di ka na lalayo

Bakit palaging nahihirapan ang mga taong nagmamahalan
Naiipit sa gitna ng kaguluhan
Ilang taon na na tayo ngahihintay para mag sama
Ilang taon pa ang kailangang lumipas

Gusto ng maidlip para magkapanaginip
Umalis sa mundong totoo at puno ng gulo
Para kahit sandali ika’y makatabi
Para kahit papaano di ka na lalayo

Mahal parin kita at parating mamahalin
Mayroon mang bago sa aking buhay
Ikaw parin ang iisipin
Ilang taon na na tayo ngahihintay para mag sama
Ilang taon pa ang kailangang lumipas

Gusto ng maidlip para magkapanaginip
Umalis sa mundong totoo at puno ng gulo
Para kahit sandali ika’y makatabi
Para kahit papaano di ka na lalayo

Para kahit nahimbing tayo sa huli
Sa aking mga panaginip
Tayo’y magwawagi

 Para makilala niyo pa lalo ang wake up, ito ang write-up sa kanila sa Pulse.ph. Kung gusto niyo makita ang video nito, mayroon sa dulo ng article.:)

Kahapon, napagtripan namin ni Ekai na kumain ng goto bago umuwi. Doon kami nakakita ng goto sa may A. Boni sa Barangka, “Pagkaing Pinoy: Pagkaing Masasarap” iyong pangalan ng karinderya.

goto

Kinse isa. Bili kami ng dalawa. Noong tinanong ng ale sa kasama niya na “Ate, meron pa ‘be tayong goto?”, nagkatinginan na lang kami ni Ekai at napalunok ng laway. Bigla kaming nakaramdam ng pagnanais na umalis, putsa, ba’t nga ba tayo bumibili ng goto sa gabi? E kailan pa kaya niluto yung goto na yan? Patay, malamang, kaninang umaga pa.

Pero nakasandok na kasi si ate. Bahala na. Kala ko ibibigay na sa amin yung mga goto pero buti na lang ininit muna nila sa microwave (nagulat ako na meron silang microwave, halatang magaling silang “mag-init” ng pagkain). Pagkatapos ng ilang minuto, dinala na sa amin ang goto, pero ang mainit e ‘yung mangkok. Kinuhanan kami ng kutsara’t tinidor ng nagsilbi sa amin. Sinimulan na namin ang pagkain ng biglang,

“Ba’t ganun ‘tong goto na to? Lasang Champorado?”

Basahin ang Karugtong »

Isa sa mga wais na kantang narinig ko. Haha. Benta sobra! Pwede na kayo Pepe! Haha. Pwede nang pang-mainstream!:p Kaso lang absent ang drummer, napilayan kasi! Haha. Pagaling na yan tsong! Onti na lang!

Para makasabay kayo sa kanta, isinama ko na ang lyrics. Mga boys na makaka-relate, enjoy!:p

Spadahan
Saranggola ni Pepe

Nakita kita
Nag-iisa, walang kasama
Kaso may problema
Lalaki ako
At lalaki ka

Lalaki ako
Pero pusong babae
Lahat sila walang masabi
Bawat hiling, bawat panalangin
Sana babae pagtingin sa salamin

Basahin ang Karugtong »

Isipin mo 10 years from now may anak ka na. Sabihin natin, grade 3 na sya nun. Syempre, ibibili mo sya ng mga school supplies kasi nga grade 3 na sya at pasukan na. Dinala mo sya sa NBS para ibili ng coloring book nang pagtingala mo sa mga shelf ay tumambad sa iyong mga mata ang imaheng ito…

Image hosting by Photobucket

Nung nakita nya iyon… ano kaya ang magiging reaksyon nya?

a. uy!? papa, anong story yan?

b. yaakk! papa, ano yan?

c. hwow… pa! *excited* bili mo ko nyan! balita ko nandyan lahat ng mga disney princes eh…

Take note, kung c ang naging reaksyon niya, hala, kabahan ka na. Paalala mo na sa anak mo na lalaki sya. La. La. Ki.

Actually, bunga lang yang ng pagiging makulit namin ng mga N boys nung isang araw na pumunta kami sa NBS katips para magmeet. Don’t worry, nakuha namin ang drawback para may hustisya: pinagalitan kami ng guard dahil kinukunan daw namin ang mga storybooks. Di ko naman alam na di pala pwede magposing sa tabi ng isang kakaibang storybook na noon ko pa lang nakita…

repost mula sa the-small-talk.blogspot.com (february 25, 2006)

Noong second year ako, mayroon sa Sociology and Anthropology class namin na “amazing race” at nagpunta kami sa Nueva Ecija. Masaya siya, kaso lang, mahal. Doon ko lang naranasan ang tunay na maging “amazing race” contestant. Seryoso. Hindi ko na sasabihin yung mga details dito, baka kasi inuulit lang yun ni sir apolonio. Kung gusto niyo mag-amazing race tulad ko, kung may chance kayo, kunin niyo siya sa SA 21.

Anyway, ang tunay na kuwento ko ay ito. Sa Xavier Hall kami nagmeet ng klase. Walang bus kaming sasakyan, convoy kasi. Nabuo na ang teams noon at sa isang kotse lang kami sasakay. Sa isang kotse, puro kami lalaki. Ako na yung huling sumakay sa kotse, pero may espasyo pa para sa isang tao.

Ok na ang lahat ng biglang may pumasok sa kotse namin na isang babae (na hindi ko kilala personally). Sa loob, nagkatinginan kaming lahat, at nanahimik. Bigla na lang niyang sinabi,

“Orgy na ‘to!”

Tinginan na lang kaming mga lalaki. Sabay labas siya sa kotse.