Oo, ang late na ng entry na ito.

Marami mang hindi umaamin ng ganito, pero ilalahad ko lang ang ilan sa mga bagay na humuhuli sa puso ko.

Madaling mahulog ang puso ko sa mga taong binubusog ako. Literal, ng pagkain. Seryoso. May mild ulcer kasi ako at sumasaya sa tuwing nakakakain at napapapawi ang aking gutom. Kung magaling kang magluto ng mga lutong bahay, malamang, lagi at lagi kitang hahanapin. Pero unang parte lang iyon. Kung mahilig kang kumain tulad ko (pero hindi na nananaba na para bang may buwaya sa tiyan), mas kumpleto. Hindi lang sa mga mamahaling resto. Kung game ka sa lahat ng bagay, maging fishball man o isaw, hau-hau o iced gems, dirty ice cream o manggang hilaw, gusto kita laging makasama.

Simple lang naman akong tao, masaya na ako sa mga simpleng bagay (simple pleasures of life, ika nga nila) at hindi na kailangang mag-beach pa bawat linggo o “pumarty” bawat Sabado. Mas maligaya ako sa mga karaniwang lugar na alam kong tayo lang nakaaalam kung bakit espesyal. Isang lugar na ayos na para makapag-usap, pero hindi gaanong tahimik na hindi makakatulong sa ating makapag-isip ng mapagkukuwentuhan. Makapag-usap lang tayo tungkol sa kahit ano sa ilalim ng araw at magkita sa mata sa isang normal na araw ay ayos na. At kung mahilig kang bumiyahe, bubuhatin pa kita paakyat ng mga kapatagan at bundok.

Kung mahilig ka sa musika, matutuwa ako. Musika ng isang taong tumutugtog ang isa sa mga kayang magpahinahon sa akin. Mahilig ako sa piano, kahit na hindi ako marunong nito. Kung tuturuan mo ako at magduduet tayo, magiging isa sa mga di ko malilimutang alaala ito. Kung mahilig (at magaling, haha) kang kumanta, asahan mo, lagi kitang pakikinggan. Kung hindi ka mahihiyang makipagkantahan sa akin kahit na pasigaw pa, at kahit na bano ako at sintunado ay minamahal mo pa rin ang boses ko, malamang ‘di na ako kakanta kung wala ka.

Kung handa ka at hindi natatakot na buksan ang iyong sarili sa akin– ang iyong mga pangarap, mga kuwentong ng pagkabata, mga takot, mga kahinaan, mga bloopers, mga naging crush, mga natatagong corny jokes, mga problema, mga prinsipyo, at mga opinyon– sa bawat pagkakataon ay lalo kitang mamahalin. At kung handa kang makinig, times 2.

Kung lagi kang nandiyan para sa akin lalo na sa mga panahong hindi ko inaasahan, malakas ang tama noon sa akin. Hindi ako mangingiming iregalo sa iyo ang lahat kung na-aapreciate mo ang lahat. Kung may puso ka para sa paglilingkod at hindi natatakot sa responsibilidad at pamumuno, asahan mong kasangga mo ako.

At siyempre, kung may takot ka sa Diyos at palagiang sumasangguni sa Kanya sa lahat ng bagay, handa akong punuan ang pangatlong dulo ng tatsulok ng ating relasyon (ika nga nila, threesome with the Lord).

Ay, post-velentines?

7 Mga Puna

    • Judy Ann Santos
    • Ipinaskil Pebrero 22, 2007 bandang 1:09 hapon
    • Permakawing
    • Tugon

    sayang…kami na ni Ryan. Mukha pa namang may future tayo.

  1. ay, juday. thanks, but no thanks.:p

  2. ako na lang. palitishans naman ako e. :D

  3. i like you because.. your’e e good person to like.

    memories..

  4. ay, manay gina. thanks, but no thanks.:p

  5. teka… totoy, td kid ka rin? hu u?

  6. habang iniisip mo yan, sigurado may hinihiling ka: “sana siya na nga”, tama ba?


Magpaskil ng Puna

*
*