Step 1: Ilagay sa tore kung saan siya ay matutuwa.
Step 2: Budburan ng bulaklak ang paligid.
Step 3: Hayaang ipalibot ang buhay niya sa iyo. Patagalin ng ganito ng mga ilang taon.
Step 4: Sabihan ng matatamis na salita, sabihing mahal na mahal mo ito isang umagang kasingganda ng bagong silip na liwanag ng araw sa mga ulap sa langit. Ipaisip sa kaniya ang buhay na walang-hanggan kasama mo. (Alam mo namang sasaya siya sa ganitong mga panaginip, ‘di ba?)
Step 5: Pagdating ng gabi, wasakin ito sa pamamagitan ng pagsambit na hindi mo na ito mahal. Kung magtanong ng dahilan, isagot ay, “Wala lang.”
Tapos ang usapan.
13 Mga Puna
Parang sam milby, “I never said that I love you.” Ouch.
Tapos mala-Anne Curtis na sagot, “You’re spineless!”
pero seriously, bakit ba ganun ang mga lalaki? tsk tsk. randy, magpakabait ka.
hahaha. ganun ba talaga yung sagot ni anne curtis? “spineless”? labo.
anyway, ate chi, hindi ako ganyan no. mabait ako no. mahabag naman ako sa sarili ko kung ganyan ang gagawin ko sa isang babae.:p
ay, nga pala. ekai, dito, iba. you’ll say “i love you” but you’ll never mean it. ganun.
May “how to break a man’s heart” version ba niyan? Dapat meron para fair.
wehehe
soulmate, gumawa ka. hahaha.:p
di niyo kaya ibreak ang puso ng mga lalaki. :p
to totoy: akala mo lang yun! hahaha! (feeling close ako
)
hahaha. war of the sexes na ba to? :p
guys are fragile too. pa-machismo lang sila kaya hindi halata.
oy, hindi ah.
hmmm… hahaha
oy, oy, bawal mag-away dito ha? hahaha.