Mga kapwa ko Atenista, mag-ingat sa pag-iwan ng mga gamit niyo kahit sa loob ng guwardiyadong kuwarto.
Noong Sabado, nanakaw ang USB/mp3 player ko, sa loob mismo ng RSF. Yes, you heard it right. Sa loob ng heavily-guarded na RSF.
Noong umagang iyon, tinatapos ko ang isang papel ko para sa Money and Banking class ko. Nakasaksak ang USB ko habang ginagawa ko iyon. Noong natapos ko na, siyempre, pumunta ako sa printing station (na hindi pa yata aabutin ng 10 hakbang) para i-print ang gawa ko. Pagbalik ko, tadaa… wala na ang USB ko. Akala ko naitabi ko na, pero ang alam ko, hindi ko pa nae-eject ‘yun. Ipinagtanong ko sa babaeng gumagamit ng computer sa harap ko, ang sabi niya, may umupo daw na lalaki sa computer na pinaggamitan ko at umalis.
Pambihira. USB na nga lang, e. At ang bilis niya. Biruin mo yun, kakatalikod ko lang ng ilang segundo ‘tas nawala na agad siya?
Malamang Atenista din ‘yan, dahil hindi naman makakapasok ang hindi Atenista sa RSF. I think. Sabi ng guwardiya doon, ipa-rewind ko raw ang camera para makita ko kung sino ang kumuha, pero naisip ko, hindi ko na rin naman makukuha iyon kahit na makita ko pa na may kumuha nga talaga noon.
Mas nanghihinayang ako sa mga files na nanduon. Tsktsk. Tae. At saka, matagal ko ring pinag-ipunan iyon. Hay. Para sa mga tao diyan na ugali ang mag-iwan ng gamit (para “i-save” ang upuan at walang gumamit), kahit na nasa Arrneow ka pa, marami pa ring puwedeng kumuha niyan.
Naisip ko, buti na lang pala, hindi nilimas ng hayop na yun ang bag ko.
5 Mga Puna
soulmate sana pinarewind mo yung video para ma-identify at mapatawan ng kaukulang parusa. kung atenista nga yan, ma-identify yan ng adsa. promise. malay mo nasa kanya pa rin usb mo.
oo nga, tama si tina. o kahit na wala na sa kanya ang usb mo, para man lang maparusahan siya.
mag-diskette ka na lang kasi, wag na usb hahaha!
hala, oo nga randy. Hanapin mo ang salarin. Go! GO! GO!
honga!!
go!! hulihin mo na!!!