updated (7:23 pm)
Ginagawa ko sa RSF (na sikat sa pagiging pugad ng mga malulussog na computer viruses) ang resume ko, at na-virus siya. Tadaa. Naging screensaver siya. Anak ng tupa naman o.
*****
Nakakapressure naman ang maraming tao ngayon dito. Sobrang harrased sila sa paggawa ng mga resumes para sa kanilang mga gustong summer jobs. Hindi pa rin ako maka-get over sa finance test ko nung Monday. Kung hindi ba dahil sa pag-aaral ko sa test na iyon e sana hyped up na hyped up din ako ngayon. Tsktsk.
*****
May bagong threat sa kakayahan ng Friendster. Tawag nila dito, Eskwela.com. By schools, batch, at kahit course and pag-sort nila ng mga members dito. Alpha version pa siya, so expect a lot of bugs and errors. Mukhang mas specific ang gamit niya kaysa Friendster kaya mukhang mas ok, kaso tingnan na lang natin kung tatagal siya. At nga pala, by invitation lang siya sa ngayon.