Isang sakit ata ang dumadapo sa mga kakilala ko ngayon at lahat sila’y tinatamad na mag-aral. Kahit ako, nakakaramdam na rin. Ganito ba talaga ang maging 3rd year? May dahilan din ako kaya ako mabilis na napapagod ngayon. Mali ang ginawa kong pagkuha ng napakaraming extra-curriculars. Tanga-tanga kasi. Head na nga ng Modules, Dik head pa, SOA finance officer pa. Superman, gone wrong.
Hindi ko maisip kung ano pa ang mangyayari sa 4th year.
Isang Puna
kaya mo yan. kahit ang tunay na superman, minsan may mga ginagawang nagpapahirap sa buhay niya. lahat naman ng tao napapagod, lahat nagkakamali kahit super hero ka pa. sa pagbabasa ng blog mo, naisip ko na palitan ang superman, amerikano yun, pilipino ka, kaya mula ngayon ikaw na si super inggo (wahehehe..mapatawa ka lang
)