Narito ang ilan sa mga bagay na iniiwasan ko sa tuwing sasapit ang Reg day:
1. saturday class – dahil gusto kong maramdaman lagi na may weekend, ayoko na muling magkaroon ng klase ng sabado. Kapag pagod ka na ng biyernes, pakiramdam mo na lang gusto mo magpakamatay dahil kailangan mo pa bumangon sa kama dahil male-late ka na.
2. unfamous na teacher – dahil sa totoo ngang nambabagsak sila o mababa mag-grade o walang kuwenta magturo. ‘Nuff said.
3. anonymous teacher – dahil kapag malas ka’t magiging isang “unfamous teacher” pala siya pagdating ng panahon, wala kang magagawa kundi suntukin ang sarilimong mukha. Para kang bumunot sa isa isang “surprise box” at ang makukuha mo ay cactus.
4. 730am class – well, dahil maaga siya? Matagal na akong walang ganitong klase, at nahihirapan na rin akong gumising ng maaga.
5. 6-9pm class – sabi nila dapat nang sanay sa ganito ang mga SOM students. May ganyan akong klase nitong huling sem lamang at nakakapagod rin talaga ang maupo ng 3 oras. Ayoko na nang ganito dahil gabi ako umuuwi, naglalakad sa katipunan. Ayoko atang maharang ng magnanakaw kahit na pasado alas nuwebe pa lang. Early birds ang mga nag-aabang sa katipunan, kala niyo ba.
6. at kapag nakuha mo pareho ang isang 730am at 6-9pm class sa isang sem.
7. mga 2 or 3 or 4 hanggang 7 hour break. Anak ng tupa. Wala akong nagagawa at nararamdaman kong nasasayang lamang ang oras ko kapag may ganun.
At ngayong semestreng ito, nakuha ko silang lahat. Watdamada*@$#^&@&!+
Good luck na lang sa akin.
Bakit ba kasi natanggal pa ako sa LSAT at tama namang natapat pa ng 433 ang random number ko? Is this destiny? Lahat ng ayaw ko na teacher, ayaw ko na timeslot, napunta sa akin. Talaga nga naman.
At teka nga pala, nasabi ko na bang ang martes ko ay tatawagin ko na ngayong, “Patayin-si-Randy” day? Magsisimula ang araw ko ng 730 ng umaga at matatapos ng 9 ng gabi. Kamusta naman yun?
Pero naiisip ko na baka blessing in disguise ito. Lord, kayo na po ang bahala sa akin.
Venida. Balcos. Aguilar. Killer Tuesday. Isang klase lang kapag MWF. 730am-9pm. Magtutuos tayo.
10 Mga Puna
hahahahah! belat.
boo! ate chi wala na kasing reg sa inyo eh! hahaha.
sakayan na lang ang pinipilahan ko. hehehe. tsaka kung umabot man ako sa office ng 9 ng gabi, ipapa-reimburse ko na lang food ko hahaha. yehey! magtrabaho ka na rin randy! hihi.
goodluck! last 3 sems mo na =D
oo nga po, eh. hello, hello wake up call. 3 sems na lang, mediocre pa grades ko. hay.
anyway, pwede naman akong magtrabaho ngayon eh. gusto mo ng assistant?;P
haha! pwede, pero wala kang sweldo!
ok na! basta may pagkain! hahaha.
haha, parehas tayo. MWF isa lang class. ok daw yang si aguilar, parang yapan. =)
hi ada!:) yep, so far, natutuwa ako sa kanya. hm. ok na ako sa madaming readings kasi nasanay na ako. kaklase ko nga pala si reia dun.:p
at nga pala. i think ok rin naman ang 1 class pag mwf. nakakapagpahinga ako (wag lang nga akong abutin ng katamaran).
wow, classmates kayo ni reia. tagal ko na gusto lumipat sa class nya. hahaha. inggit ako eh.
sino ba ang history teacher mo ngayon?:)