Dear Joe,

Minabuti ko nang ipadala na lamang sa iyo ang sulat na ito kaysa ibalik pa kay Xerex. Ibinalik niya kasi sa akin ito, hindi raw nakaabot sa quota ang mga “xerex words” ko– wala raw silang masyadong makitang “hiyas”, “bukana”, “hiwa”, “sandata”, o maski “nota” sa sulat na ito. Nainis na ako, Joe. Wala naman talaga akong gustong sabihin tungkol sa mga “nota” na yun, hindi naman ito tungkol sa musika.

Tungkol kasi ito sa totoong pag-ibig, Joe. Walang kalaswaan. Hindi kabarubalan. Kuwento ito ng una kong pag-ibig, na nais ko sanang mafeature pa sa “Love Notes w/ Joe d’ Mango” dati ngunit minabuti ko nang kimkimin muna. Shy ako, eh.

Karen* ang pangalan ng una kong pag-ibig, Joe. Nagkakilala kami dahil malapit lang ang bahay namin sa kanila. Sa unang tingin, hindi mo aakalaing magiging sinisinta ko pala siya balang-araw. Marami ang nag-iisip na sobra lang kaming magkalapit na magkaibigan. Paano ba naman, nagkasundo kami sa isang bagay– Kropeck. Paboritong-paborito ko ang Kropeck, lalo na kung isinasawsaw sa suka, at biruin mo yun, Joe, paborito nya rin iyon. Sabi ko sa sarili ko dati, kung makakasalamuha man ako ng isa pang taong mahilig din sa sinukaang Kropeck, siya na malamang ang soulmate ko.

Dumaan ang panahon, naging malalim ang aming pagkakaintindihan, hanggang sa tuluyan ko na nga siyang naging kasintahan. Kay tamis ng mga araw na iyon, oh, Joe. Hindi ko sila malilimutan. Sinabi ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal, at doo’y nagsambitan ng matatamis na mga salita.

Ngunit tulad ng isang larawan, Joe, kumukupas ang lahat. Ang akala naming matatag na sumpaan ay unti-unting nagagasgasan ng mapanadyang pagkakataon. Sa tuwing kami’y naghihiwalay at sumusuong sa mga sarili naming buhay, ang hindi dapat mangyari ay nangyayari: nahahayaan naming butasin ng aming kawalan ng pag-uusap ang aming sumpaan. Mountaineer kasi ako, Joe. Nagawa ko nang akyatin ang Mt. Apo, suungin ang Jumanji Jungle, tawirin ang Nile River, at mag-bungee jumping sa Maria Cristina Falls. Ang pinakabago kong misyon, ang akyatin ang pinakamatarik na kabundukan na alam ng tao. Pangarap kong maabot ang tuktok ng mundo, Joe, kaya sumama ako sa papuntang Mt. Everest. Akala ko sasaya siya, Joe. Para sa akin. Ngunit hindi yata. Hindi pala kami nagkaintindihan. Ang gusto pala niya, sumama. Eh, hello? Hindi naman niya sinabi.

Sa pagbaba ko, hindi na niya ako pinapansin, Joe. Nagtampururot yata. Inalayan ko na nga siya ng Kropeck ngunit hindi niya tinanggap. Malamig na siya sa akin, kasing lamig ng Mt. Everest. Pinalamig kami ng aming miskomunikasyon at hindi pagkikita.

Joe, masakit. Ngayong wala na kami, mas masakit. Kapag nagkikita kami sa karinderya sa may kanto para kumain, ni hindi niya ako nililingon. Kay saya pa naman ng mga iniwang alaala ng lugar na iyon, Joe. Doon ang una naming date. Ang nais ko lang naman, maging magkaibigan kaming muli, tulad noong mga “kropeck days” namin. Nasira man ang relasyon ko dahil sa mga explorations ko, nais kong bawiin kahit man lang ang pagkakaibigan namin. Nakakamiss eh.

Joe, sana mapayuhan mo ako. Pero teka lang, paano ka nga pala sasagot, e wala ka na yatang column o palabas sa tv? Anupaman, i-text mo na lang ako. +639156333333.

More power to you!

Sumasaiyo,
Romy G.
Ang virgo boy ng Novaliches

* di tunay na pangalan

14 Mga Puna

  1. nga pala, hindi ka na pinapansin ni karen ngayon dahil gelps ko na siya. bwahaha!

    hay romi, kahit kelan talaga lagi ka na lang huli.

    p.s. sorry, na-garduce na kita. :p

  2. basta ako pangalawa!!bwahahaha! na-garduce nga ako ni leo pero na-garduce naman kita.

  3. shadap! shadap yu pipol!

    la akong paki kahit 3rd lang ako, ang mahalaga, super endorsed ako ng GMA. “super-kapuso” ba.

    at saka maging friends ulit kami ni karen.

  4. randy! parang scripted ata ang comments mo wahahahah! ikaw rin yan e! ikaw rin yan! SCAM SCAM SCAM!

  5. bakit ba nasasama pa ko sa usapan? masaya na kami ni Dale A. pabayaan nyo na kami, masaya kami dito sa Kathmandu.

  6. hudahel is dale a.?!

    akala ko pa naman na-garduce na kita kay karen. yun pala na-garduce pa ako ng buwakananginang dale a. na yan.

  7. si dale a. ang totoong nauna sa eberest, hmp! buti pa xa. belat.

  8. gupitan na, randy. sa wakas!

  9. yehey! yehey! bukas na ang barberya!

  10. ate chi, hindi po yan scripted! ewan ko ba, pinapatulan ko kasi, may sumasagot naman. haha.

  11. nyahahaha! waassup por yu, leo? na-garduce ka rin! na-garduce ka rin!! nyahahahahaa!

  12. haynako. dun na lang ako sa anak ng sherpa. :(

  13. anak ng sherpa? sino yun?

  14. ayos.


Magpaskil ng Puna

*
*