Just want you guys to know that I’m doing a long hiatus here. Sorry for not telling or giving you a warning.
If you are one of those nice people that really check up on my updates, you can go here.:) Have a nice day.
Just want you guys to know that I’m doing a long hiatus here. Sorry for not telling or giving you a warning.
If you are one of those nice people that really check up on my updates, you can go here.:) Have a nice day.
Kakabasa ko lang ng blog ni Ala Paredes at mukhang sinasabi niya sa huling post nya na iiwan na muna niya ang blogging. Isa ako sa mga malulungkot. Seryoso, sinusundan ko kasi ang blog niya simula noong nagsimula ako noong sa akin. Pagkatapos ng halos anim na taon, hindi ko alam, nawalan na rin ng gana si Ms. Paredes sa pagsusulat.
Naisip ko tuloy, kelan ko kaya susukuaan ang pagsusulat dito? O ang mas tama yata, kelan ako mawawalan ng gana? Ngayon pa lang, nakakaramdam na ako ng pagka-detach sa pagsusulat. Palagi kasing pagod, o hindi kaya tinatamad, o kaya wala lang talagang oras. Pero hindi ko pa talaga gustong tumigil. Marami pa akong gustong isulat at ikuwento. Siguro nga, mas bata pa ako at ang blogging age ko (maglilimang taon na sa Hulyo) kaysa sa kanya kaya hindi pa ako iniiwan ng gana.
Sana lang, kapag dumating na ang panahon na maging masyado na akong matanda para dito, o di kaya tinablan na lang talaga ng katamaran at kawalang-gana, naisulat ko na ang mga gusto kong isulat.
Pero maikli lang ‘to.
*****
‘Pag pasok mo ng Men’s room, akala mo mag-isa ka lang, kaya masayang masaya kang inilabas ang iyong kanina pa tinatago sa iyong pantog. ‘Pag baba mo ng zipper mo, bigla ka na lang nakarinig ng parang sumingaw na lobo, at siya nga, pagsilip mo sa cubicle na sarado, nakita mo ang isang pares ng leather shoes na sumasayaw sayaw! Ah, putsa, bakit ba sa lahat ng makakaistorbo sayo e itong parang-singaw-ng-lobo pa na tunog ang kumalabit sayo, malamang masasabi mo. Tapos maiisip mo na kapag mayaman ka nang gaya ni Pacquiao, kahit wala kang karanasan sa politika, basta sikat ka at may commercial ka ng Vitwater, tatakbo ka rin sa isang lugar na hindi ka naman talaga nakatira at isusulong mo sakaling manalo ka ang batas tungkol sa pagbabawal sa matahimik na CR. Dapat kapag gagamit ka ng CR imbis na pipihitin mo lang yung knob, ang palatandaan na ginagamit ang cubicle ay tutugtog na mp3. Pwede kang mamili ng gusto mo, maging Colbie Caliat (kung Pop person ka) man o Sigur Ros (kung gusto mo Ambient) o My Chemical Romance (kapag Emo ka). Pagkatapos mong maisip yun, maiisip mo na umalis na lang dahil hindi na nakakatuwa ang naririnig mo, parang nangingilo ang kaluluwa mo sa tunog. Tumungo ka na sa lababo, naghugas ng kamay nang biglang bumukas ang pinto ng cubicle mo.
Ang pinakabosing ng opisina nyo pala ang nasa loob.
If you said that you want a better Philippines but is mad with the goverment or other institutions in our society, have you ever asked yourself, “Have I myself done anything for this country?”
I’m planning to create a post to introduce One Tama, but I think these mediums will be more than enough to introduce you to it.

Here’s that video you can see on the screen shot of the OneTama website above. Just embedding it here to already give you a glimpse.
Linked is KD Suarez’s article here about OneTama, which more or less encapsulates the essence of what I am about to say.
Please, I am encouraging you to visit the links I gave you and spare even just a little of your time to be exposed. After all, the purpose of the advocacy is for us to be open-minded and proactive, break out from our stereotypical “Juan Tamad” and be “Juan Tama”.:)
Bukod sa “The Catcher in the Rye” ni J. D. Salinger, ang isa pa sa mga binabasa ko ngayon ay ang series ng “Secret Invasion” ng Marvel comics. Basta ang point ng buong series, sinakop ang Earth ng alien race na Skrull, na kayang gayahin ang kahit na sino (dahil shapeshifters sila) at kayang gawin ang kahit anong kaya nila gawin, kahit na ang mga superheroes ng Marvel Universe. Okay, hindi ko na itutuloy ang ka-geekan na ‘to dito. Kung naging interesado ka, tingnan mo na lang dito kung ano ang Skrulls, at kung ano ang Secret Invasion. Ang totoong gusto kong ilagay sa post na ‘to at ito:
May parte dun na nagsilabasan na ang mga prominenteng skrulls sa buong mundo, gaya nila Sen. McCain, Barack Obama, Oprah, etc at nagbigay ng kani-kanilang mga Declaration of Invasion para i-brainwash ang mga kawawang earthlings. Nagulat lang ako dahil,

Sa pagitan nina Sen. McCain at Dr. Doom, nandun si G. Arroyo. ISA SYANG SKRULL! Hahaha!
Namiss ko ang mga ganitong klaseng post. Ilan to sa mga nangyari sa akin nitong linggo lang.
*****

Isang araw sa office, nainom ko ang pinakauna kong Starbucks product, isang Mocha Frappe na libre dahil sa ginawa kong pagtulong sa ibang team. Kung hindi niyo lang alam, hindi ako umiinom ng Starbucks. Una, sobrang namamahalan ako– bakit naman ako bibili ng P200 na kape? Pangalawa, may paniniwala ako na pang-elitista lang sila, at ang binebenta nila ay ang pangalan nila at hindi masyado ang kape nila. Nakakatawa, kahit na marami akong mayayamang nakakasama, hindi pa rin ako sanay makihalubilo sa lalo na kapag yung mga laking-aircon stuff na ang pinag-uusapan nila.
Pero natuwa talaga ako sa Frappe na ‘yun dahil saktong sakto ang dating nya. Sobrang lutang ako ng araw na yun, at kailangang kailangan ko ng pampagising. Saka isa pa, libre siya. Masarap talaga ang lahat ng libre. Pero in fairness, masarap sya. Parang chocolait pero coffee version. Kapag marami akong pera at gusto kong gumasta para sumaya, bibili ulit ako nun.
*****

Created by OnePlusYou – Free Online Dating
Wow, 97 words? Parang maikli ata yun ah. Pero sinasadya ko naman na maikli talaga dahil madalas, wala akong oras gumawa ng mahaba, at mas madalas, nagmamadali ako. Hindi ko alam kung accurate ba yan, ni hindi nga nila pinaliwanag kung paano nila nacompute, gumamit daw sila ng RSS feed pero kulang ang paliwanag. Pero pwede rin, tamang estima. Madalas kasi parang twitter o plurk entry ang mga entries ko… o kaya naman, videos lang nilalagay ko. Pero 97 words na puro Filipino? Hmm… Parang maikli nga yun. Parang ganto lang siya, 97 words, sakto. Maikli no?
Sinusubukan kong gumawa ng bagong entry pero hindi ko makumpleto. Teka lang ha.
Napag-usapan namin ng kapatid ko dati na paano kaya kung naging malaki na si Dora the Explorer… oo, yung batang tinuturuan ang mga preschoolers ng Spanglish at sikat sa mga katagang,
“What’s your favorite part of the trip?
*mahabang, mahabang pause*
I like that too.”
at marami kaming mga katanungang nabuo. Ito ang ilan sa kanila.
Ano na ang tawag sa kanya? Doralyn the Teen Explorer?
Iiwan na ba nya ang purple nyang backpack na si Backpack? Ano na ang ipapalit nya? Shoulder bag na tatawing Shoulderbag? Prada? (Isipin mo yung Backpack song habang iniisip mo ‘to).
Gagamitin pa ba nya si “The Map”? O sa loob ng shoulder bag nya mayron the syang “The Mac”? Syempre sa “The Mac” kasi magagamit nya ang Google Maps.
At ang pinakamalaking tanong sa lahat, kung teenager na siya, ano na kaya ang i-eexplore ni Dora? Naku, patay tayo dyan!
Natawa na lang ako bigla nang makita ko isang araw sa internet ang imaheng ito:
Meron na ngang may matandang Dora the Explorer na lalabas! Wow! Saktong-sakto lang, maraming teenager na ganyan manamit: leggings sa ilalim ng top na parang pang-buntis (’di ko alam tawag dyan e), at doll shoes. Kamusta naman toh ateh? Para sa balita ukol dito, pwede kang magsimula dito:
Isang araw, nasa Farmer’s mall ako at kinailangan kong magpalit ng damit dahil nakapormal ako noong umaga at pinagpapawisan na ako. Sa paglilibot ko, wala akong nakitang maayos na CR na may cubicle na puwedeng magamit dahil kung hindi man puno, sobrang panghi naman. Buti na lang, sa isang floor, may pay CR (sampung piso ang binayad ko) na nagbibigay ng ticket na mukhang pangraffle.
Pagpasok ko sa loob, ay sus, lahat pa rin ng cubicle puro may tao, pero sa CR na ‘to, ang nakakatawa, lahat ng tao jumejebs. Wala akong nagawa kundi maghintay sa kanilang matapos.
Isipin mo na lang halos sampung minuto ka na ata nag-aabang sa mga tao na matapos jumebs… ano kaya ang pwedeng gawin? Hmm. Dahil ako yung tipong tao na mahilig pumansin ng mga bagay-bagay kapag walang magawa, eto ang ilan sa mga napansin ko:
1. Totoo nga na kahit alam ng mga tao na nasa public toilet sila, nakakahiya kapag naririnig ang “pluk, pluk” sa tubig sa inidoro kaya naman, maraming tao ang gumagamit ng “flush once you drop” technique. Ito yung kapag may nalaglag na, kailangang sabayan mo ng flush para hindi marinig ng katabi. Pero kung tutuusin, parang binalita mo na rin sa katabi mo na, “ok, may nalaglag na naman po!” It defeats the purpose.
2. Kapag natapos na ang isang tao sa pagjebs nya sa isang pampublikong lugar, sinisigurado nyang walang tao sa labas, o kung meron man, kailangang sneaky ang pag-eskapo niya.